Fifty Seven* (Part 2)

1.2K 27 7
                                    

FiftySeven* (Part 2)

VANESSA's POV
Nang lumabas si Denver ay sinundan ko siya. Nakasanayan na namin na sabay naming titignan ang rank namin.

"Denver, sandali lang.." Tawag ko sa kaniya. Mabuti na lang at hindi niya pa din ako iniiwasan kahit na alam niyang hindi pa din ako tumitigil na mahalin at ipakita sa kaniya ang nararamdaman ko.

"Faster Vanessa.." He just said.

Nagmadali na akong maglakad. Mabuti na lang at wala si Aisha dahil pinuntahan nito si Ansherina. Tss. Naalala ko na naman ang babaeng yun! Akala ko kakampi ko siya pero it turns out na hindi pala lalo na at bati na sila ng kapatid niya.

Ang laki ng mga hakbang ni Denver kaya ilang minute lang, nakarating na agad kami sa may bulletin board. Agad kong hinanap ang listahan ng mga second year. Una kong tinignan ang pangalan ni Denver.. panigurado ako, siya na naman ang Rank 1.

Huh?? Anong nangyari? No way! I can't believe it! Si Denver? Rank 2!? Mali ito!! Hindi pwedeng Naging Rank 2 si Denver! Siya ang pinakamatalino sa batch namin! Paanong nangyari ito? Bala nagkamali silan--

"Congrats Aisha. You're number 1." Si Denver iyon.. Dinig ko.

Agad akong napalingon. Nandoon na si Aisha kasama si Ansherina. Tinignan ko si Denver, Hindi ako makapaniwala na nakangiti lang ito na parang wala lang. No! Hindi ito ang kilala kong Denver!

"Denver.." Singit ko sa usapan nila. Napatingin silang tatlo sa akin. Nakataas ang kilay sa akin no Ansherina pero wala akong pakialam. "You're rank 2! Magagalit ang mommy mo pag nalaman niya 'to!"

"Hey. It's okay." Balewalang sabi nito at masayang nakipag-usap na kay Aisha.

"But-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinandilatan na ako no Ansherina.

Naikuyom ko na lang ang palad ko. How could Denver be like that!? I'm concerned about him! Doesn't he want to be the number one? Ganyan na ba siya katanga at napapabayaan niya na ang pag-aaral niya?

Hindi ako papayag na maging ganyan siya! Hindi siya nagpapatalo kahit Kanino pero eto siya ngayon at Rank 2 na!? At 3 points ang lamang mila for goodness sake!

You Aisha bitch! You're really getting in my nerves now! Nilayo mo na nga sa akin si Denver, ngayon naman nilalayo mo siya sa pangarap niya! Hindi mo ba alam na mahalaga sa kaniya ang pagiging rank 1?

Paano mo nga naman malalaman yun e ni minsan hindi mo siya tinanong! I can sense it. Denver will only fall behind when he's with you. You're dragging him down!

And I cant let that happened! I won't!

"Hey Vanessa.."

"Don't talk to me. You're now one of my enemy.." Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon