Seventeen*

4.9K 51 20
                                    

Seventeen*

 

AISHA’s POV

Nasa laboratory ako. Ay kami pala. Kasama ang mga classmates kong pinagtatawanan ako. Nakatayo kasi ako sa may harap. LATE KASI AKO. Ni hindi man lang ako ginising nang bwisit kong roommate! Monday na Monday, late ako. Kainis alam niyo yun? Syempre, late ako ngayon, baka magtuloy-tuloy na to. What a day!

Nagngingitngit pa rin ang kalooban ko sa NEW ROOMMATE kong ramdam ko ang pagka-ayaw sa akin. Napakacivil niya kasi sa akin. Alam niyo yun? Hindi niya ako pinapansin. Peste! Naglagay pa siya nang harang sa kama niya at sa higaan ko. Oo, sa lapag ako! Napaka-gentleman! Kainis!

“Miss Castillo? Are you whispering something?” Tanong nang Science teacher ko. She was explaining something blah blah blah. Syempre, hindi ako nakikinig. Pinatayo niya na nga ako, papakinggan ko pa ba siya? Aba! Sinuswerte ata siya. bahala siya dyan. Bad mood ako.

“Nothing Mam.” Sagot ko na lang.

Then nagshrug lang ito nang shoulders na parang wala ding pakialam sa isinagot ko. HANEP! Nagtanong pa siya diba? Sayang naman yung laway ko sa pagsabi nang ‘Nothing Mam!” Two words din yun ah.

“Hindi ko nga maintindihan kung kapatid ka ba talaga nila Ansherina at Alhonie. They are wonderful students. Napakatalino, well mannered, everything about those two are just perfect.” Napatingin sa akin ang Science teacher ko.  Inis akong nakatingin din sa kaniya. ABA! Sinong taong hindi maiinis pag inihahambing ka sa iba? “What happened to you? Oh my bad. You’re just their half sister pala. Hindi na nakakapagtakang hindi nananalaytay ang genes nila sayo.”

Genes My ASS!

This is the reason why I don’t like science! Jeez! And this is also the reason why I hate everyone. Lagi nila akong ikinukumpara sa mga kapatid ko. Ano naman kung matalino sila!? Ano naman ang kinalaman ng genes nila sa kagagahan ko? MGA ENGOT PALANG MGA TO E. Matalino ako! Hindi ko lang ginagamit dahil ayaw kong ma-amazed sila sa akin. Kakapal nang mga mukha nang mga to!

“Oh bakit ang sama mo makatingin?” Tanong niya sa akin.

 

 

 

Nagtanong ka pang bruha ka!  Yun sana ang gusto kong sabihin pero ayaw ko naman madetention na naman. Papagalitan ako ni Kuya Russel. O diba? Parang siya na ang tatay ko. Samantalang yung biological kong ama, ni walang pakialam kahit na madetention ako. Well, sanay naman akong nadedetention. Ako kasi ang pinakapasaway na istudyante sa girl’s school na pinasukan ko. Pero gaya nga nang sabi ni Kuya Russel, Try ko daw magbago.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon