Forty Five*

2.2K 36 47
                                    

Forty Five*

AISHA’s POV

Yay! Bakasyon naaaaaa! Yiee. Ngayon ko lang ulit na-appreciate ang bakasyon ko! HAHAHA. Bumangon ako sa kama ko. Agad akong nagtungo sa drawer ko at kinuha ko doon ang isang maliit na notebook. Kumuha din ako ng red at black ballpen bago ako bumalik sa kama ko.

Dumapa ako habang sinusulat ang What-to-do list ko. Eto yung mga bagay na gagawin ko ngayong bakasyon ko. Mga bagay na hindi ko pa nagagawa.

 

 

What-to-do List

1.  Paint an interesting subject.

Hmm. Hindi pa kasi ako nakakapagpinta nang isang bagay na talagang makakapukaw nang damdamin. Ang lagi ko lang naman kasing dino-drawing ay yung mukha nang tao, bagay at bahay. Yun lang. Wala na.

 

 

2. Sing a song for mommy Sherine.

Gusto ko siyang kantahan. Kantang humihingi ng sorry at thank you. Sorry kasi hindi ako naging mabuting anak sa kaniya kahit hindi naman talaga anak ang turing niya sa akin. Thank you kasi kahit na hindi ako parte nang pamilya niya, tinanggap niya pa din ako. Kahit na alam kong hindi siya concern sa akin, naging mabait pa din siya sa akin. Siguro tama na din tong hinanakit sa puso ko. Matagal nang nangyari ang mga yun e. Dapat na akong magmove on.

 

 

3. Be close to Lola.

Ako lang ata yung apo na patuloy na nire-resent ng sariling lola. Oras na din para naman maging close kami. Ipapakita ko sa kaniya na may kakayahan din akong ipagmalaki niya. Na hindi dapat niya ako kinakasangkapan para lumawak yung negosyo niya. At sasabihin ko na din sa kaniya na i-off na yung engagement ko kay Edcel tutal ayaw na din ni Edcel. Lokong lalaki yun. Gusto lang maglaro sa buhay, idinamay pa ako.

 

 

4. Have fun and enjoy.

Eto yung pinakagusto kong gawin sa lahat. Ang maging masaya at mag-enjoy sa kung ano man ang gagawin ko. Tuwing bakasyon kasi noon, dito lang ako sa kwarto ko. Kung hindi nagbabasa nang mga wattpad stories, nanunuod nang mga movies o madalas, nakikinig nang music.

Oo nga pala, may maganda akong nabasa. Yung Secretly Loving You at Love Cafe Series ni Simply_MM. Nakaka-inlove lang. Napa-iyak pa nga ako e. Meron nga siyang bagong sinusulat ngayon e. Yung Cold Hot Blooded Girl, inaabangan ko nga yun e kasi masyadong basagulera yung bida. Buti pa siya, nagagawa niyang makipagbasag ulo. Gusto ko ding gawin yun kaso pag ginawa ko yun, lalo lang magagalit ang lola ko. Lalo lang siyang maiinis sa akin.

Ah. Meron pa nga palang isa, yung Hanggang Tingin Na Lang Ba? Maganda din yun e. Hmm. Nakakarelate ako sa bidang babae.

(A/N: WAHAHAHA! Trip ko magpromote e. Wala nang kokontra. Wahahahaha! Kinapalan ko na ang mukha ko na sabihing magaganda yung mga gawa ko. HAHA. Kahit madaming typos at grammatical errors, keri pa din. Basahin niyo pag may time kayo. Kikiligin din kayo promise.)

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon