Fourteen*

5.1K 55 6
                                    

Fourteen*


AISHA's POV

Lunes na naman. Hindi pa rin ako makaget over sa kiss sa cheek na nangyari kahapon. Tampulan na ako nang tukso sa black dorm. At hindi ako kinakausap ni Tristan? Ewan ko ba dun. Maaga daw pumasok. Kaya kasabay ko kaninang pumasok si Nixon.

Papunta na ako sa upuan ko nang makita ako ang tambak na basura doon. As in basura. May mga papel, balat ng junkfoods, mga supot at kung ano-ano pa. Mukhang hindi nila alam kung saan ang trash can dahil ginawa nilang basurahan ang upuan ko. Ako na nga lang mag-isa sa likod, ganito pa.

Naiinis na nga ako kahapon, iinisin pa ba ako nang mga to. ARGH! HINDI NILA KILALA KUNG SINONG BINABANGGA NILA!? Hindi ba nila alam na pumapatol ako sa mga taong abnormal? Ayokong tumahimik pag ganito na ang nangyayari e. Kawawa naman yung janitress or janitor na maglilinis neto. Hindi na sila naawa.

"Oooh. Poor desk." Si Bubbles.

"So yucky. Bagay dun sa uupo nyan. HAHA." Si Buttercup.

"Ganyan talaga ang mangyayari sa mga taong malandi. And guys, look niyo yung nakasulat sa blackboard at yung picture." Si Blossom.

Syempre, tumingin din ako. At binasa ko nang malakas yung nakasulat sa board. Sayang naman braincells nang mga kaklase ko diba? "AISHA CASTILLO. Babaeng malandi. Tinakot si mr. president Denver Aquino para halikan lang sa pisngi. What a shame. Kababaeng tao, napakalandi, hindi naman maganda!"

Tumingin sa akin lahat nang classmates ko including the trio, pati na din yung mga usiserang schoolmates ko na nakikisilip sa may bintana at pintuan.

"Seriously? Eto na yun? Full effort na to?" Lumakad ako sa gitna. "Hindi ganito manira nang kapwa. Wala pa to e." Wala pa to sa mga naranasan ko sa girls school na pinasukan ko. Walang-wala. "Alam niyo, nakakaawa naman yung mga taong nag-effort na ilagay dyan yung picture oh. Yung effort na magsulat nang mga yan. Tsk tsk tsk. Walang effect e. Kulang." Tumingin ako sa tatlo. "Push niyo pa yan hah. Konti pa. Baka sakaling maramdaman ko naman na binubully ako or something." Lumapit ako sa kanilang tatlo. Medyo gulat sila. Hindi pa naman kasi ako lumalaban sa kanila. "Sa susunod, lagyan niyo nang bomba yung upuan ko, dun. Baka sakaling mafeel ko yang mga galit niyo. Neh." Kinindatan ko pa sila bago ako umalis sa classroom na yun.

Buti na lang at nag-give way yung mga tao sa may pintuan. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa makarating ako nang rooftop.

Lumapit ako sa may railings. Humawak doon nang mahigpit at..

 "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sinigaw ko lahat nang sama na nararamdaman ko. Pesteng buhay. Ano ba ang nagawa ko at ayaw sa akin nang lahat?

Ayaw sa akin nang pamilya ko. Ayaw pa sa akin ang mga classmates ko. Pero buti na lang, ayaw ko din sa kanila. Duh! Alangan naman na gustuhin ko pa sila e ayaw nga nila sa akin? Ano ako? Tanga? No way! Bakit ko hahayaan na saktan nila ako nang ganito kung kaya ko namang lumaban?

Hindi ako papaapi. Hindi na ako yung batang babae na iiyak pag walang kasama sa family day. Yung batang babaeng tinutulak-tulak dahil sa anak nang isang babaeng mang-aagaw. Yung batang hindi pinapansin kahit na anong gawin niya, ke mataas ang grades, ke magaling magpinta o kumanta.

Hindi na mataas ang grades ko. Wala din namang nagtatanong. Hindi na ako kumakanta, wala din namang nakikinig. Pero nagpipinta pa ako. Dahil alam kong nakikita ni mommy ang mga pinipinta ko.

"Kung iiyak ka, umiyak ka na."

Hmm? Napatingin ako sa kaniya. May dala siyang gitara? "Aanhin mo ang gitara?" Nakakawalang common sense na tanong ko.  Kaya nga may gitara e. May haharanahin! Letseng explanation 'yan.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon