Thirty Three*

3.9K 58 15
                                    

Thirty Three*

 

DENVER’s POV

Kanina pa ako nakatayo dito. Kanina pa din ako humihinga nang malalim para kumuha nang lakas nang loob na hindi ko alam kung saan pumunta! Tsk. Paanong ang isang katulad ni DENVER AQUINO nawawalan nang lakas nang loob?

“Denver?”

Napalingon ako.

Si Kuya Russel iyon. May dalang malalaking supot sa magkabila nitong kamay.

“Ahm H-hi?” Gusto ko nang batukan ang sarili ko! Bakit ba ako nauutal?

“Bakit nandito ka sa labas? Malamok dito.” Sabi nito. Oo nga pala, bukod kay Rojem, Alam niya din na dito ako dapat nakatira.

“Ahm..” Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano nga ba kasi ang sasabihin ko? Na pumunta ako dito para dalawin si Aisha dahil miss na miss ko siya at dahil hindi ko siya nakita nitong mga nakaraang araw. HOW LAME! Baka pagtawanan lang ako ni Kuya Russel pag nagkataon!

“Ah. May nakalimutan ka pa ba sa kwarto mo o gusto mo nang bumalik dito? You’re still welcome here, you know.” Sabi nitong nakangiti.

“Hindi naman yun ang ipinunta niya dito Kuya Russel.”

Napatingin kaming dalawa ni Kuya Russel sa may pintuan. Nandun si Wilbert at Peejay.

“Ano naman yung Wilbert?” Tanong ni Kuya Russel.

“Hindi Ano.. SINO.”

“Ah.”

Wow ah. NO COMMENT AKO.

Lumapit si Wilbert sa amin, este kay Kuya Russel pala at kinuha ang isang malaking supot sa kamay ni Kuya Russel.

“We’re starving to death Kuya Russel. Ang tagal  mo, hindi pa nakakapagtake nang gamot yung prinsesa naten dahil hindi pa siya kumakain.” Si Peejay.

“Ah. Sorry. Maraming tao sa palengke tapos traffic. Ginabi tuloy ako. Sige. Magluluto na ako. Tulungan mo ako Wilbert para mabilis tayo.” Sabi nito at akmang papasok na nang bahay nang mapansin ulit ako. “Tuloy ka Denver..”

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko pa sila. Pinatuloy ako ni Peejay sa Sala dahil dumeretso na sa kusina yung dalawa. Nakita kong nakaupo si Tristan, Edcel, Daryl at Nixon sa isang mahabang sofa. Napatingin silang apat sa akin.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon