Ten*

5.2K 50 6
                                    

Ten*


AISHA's POV

Hindi tuloy ako makatulog dahil sa mga sinabi ni kuya Russel kaninang umaga. At Panlimang gabi ko na to sa kwarto ni Tristan. Gusto ko nga sanang kausapin si Tristan kaso naghihilik na ito. Nagpractice ito nang basketball kaya paghiga pa lang nito, nakatulog kaagad ito.

Samantalang ako. Ang daming gumugulo sa isipan ko.

Una, Ang walang-hiyang nagnakaw nang first kiss ko! Bakit naman kasi kailangan niya pa akong halikan habang natutulog ako diba? Pwede naman niya akong gisingin para sabihin na hahalikan niya ako, makakatanggap nga lang siya sa akin ng suntok sa mukha. Pero ang tanga ko din e. hindi ko kaagad iminulat ang mata ko.

Pangalawa, Yung mga sinabi ni Kuya Russel. Paano niya nalaman lahat ng iyon? Ipinasusubaybayan niya ba ako? Grabe ee. Lahat yun tama. Sige. Siya na ang magaling. Tss. Alam na alam niya na ang pagkatao ko.

Pangatlo, ANG INIT! Nasira kasi yung electric fan e. Ang sabi naman ni Kuya Russel, bukas pa maipapa-ayos. So tumatagatak na ang pawis ko. Bakit naman kasi ngayon pa nasira? Wala ding electric fan yung iba. UGH.

Napatingin ako sa baba. Si Tristan.. Pinagpapawisan na. Grabe naman kasi tong lalaking to. Sabi ko kanina, tabi na kami kasi medyo may hangin sa akin. Sa tabi ko kasi yung bintana at binuksan namin yun para may pumasok na hangin. Pero sa baba..

Bumaba ako nang kama. Kumuha ako nang bimpo mula sa bag ko. Lumapit ako kay Tristan at ipinunas ko nang dahan-dahan ang bimpo  sa mukha niya.

"Hayy.." Napabuntong-hininga ako. "Ang gulo nang isip ko. Alam mo ba yun Mr. Bear?" Kausap ko kay Mr. Bear na nakaupo sa kama. "Simula nang pumunta ako dito sa M Academy, ang dami nang nagbago sa akin. Hindi na ako nahihiyang ngumiti. Naalala mo dati, sinabihan niya akong huwag na huwag akong ngingiti dahil wala daw akong karapatang ngumiti."

Tumingin ako kay Tristan. "Kaya nga nagpapasalamat ako sa kaniya. Lalo na nang sinabi niyang tuturuan niya akong ngumiti. Natatawa ako kasi alam ko naman kung paano ngumiti. Ayaw ko lang siyang gawin. Mr. Bear, do you think I'm really changing? For the better..?"

Napailing ako. Mamaya niyang magising ko si Tristan dahil sa kaingayan ko. Tumayo na lang ako nang may bigla akong naalala. Tama!

Kinalkal ko ang bag ko hanggang sa makita ko yun. Bakit nga ba hindi ko naisip na may mini-electric fan ako? Yung de battery. Pwedeng i-charge pag nalobat. Sana lang na-icharge ko to nang mabuti nang umalis ako sa bahay.

Ini-on ko siya. Hayy. Okay pa siya. Itinapat ko iyon kay Tristan.

"Ayan, hindi ka na masyadong maiinitan. Goodnight Tristan." At saka ako bumalik sa kama ko. Niyakap ko si Mr. Bear at "Goodnight Mr. bear."



TRISTAN's POV

ARHHHMM. Inunat ko ang mga kamay ko. Sakit nang braso ko. Mukhang nasobrahan ako nang practice kahapon nang basketball. Hmm. Ano to?

Kinuha ko iyon. Electric fan? Umiikot pa iyon e. Pinatay ko. Napasulyap ako kay Aisha. Nakatalikod ito mula sa akin. Hindi ito nakakumot at yakap-yakap nito si Mr. bear. Napangiti ako. Imbis na gamitin nito ang electric fan na iyon para sa sarili, napili pa nitong gamitin iyon para sa kaniya.

Akala ko noon, talagang wala siyang pakialam sa iba. Na hindi siya marunong ngumiti. Hindi siya marunong tumawa. Hindi siya marunong makipagkaibigan. Pero maling-mali ako. Hindi siya ganung klaseng tao. At gagawin ko ang lahat, mailabas niya lang kung sino siya talaga. Yung totoong siya. yung pinipigil nyang pagkatao.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon