Forty Three*

2.4K 34 15
                                    

Forty Three*

 

AISHA’s POV

Tug Dug Tug Dug Tug Dug

Hanggang ngayon tumitibok pa rin ang puso ko ng ganito. Ang lakas na halos ito na lang ata ang naririnig ko. Isang linggo na simula nang mangyari yun pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari.

 

 

 

Flashback*

“Aisha.”

“Ha?” Wala sa sariling tanong ko. Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya dahil pakiramdam ko natutunaw ako. Natutunaw ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

“I want to have our second kiss.”

Napaangat ako ng tingin. “Ano—“

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong kinabig at hinalikan. Nanlalaki ang mata ko sa gulat pero naramdaman ko na lang ang sarili ko na pumipikit at hayaan siya sa ginagawa niya.

 

 

It lasted for seconds but I’ve felt that it was forever. Nanlalaki ang mata na tinignan ko siya. Hindi pa din makapaniwala sa nangyari. Seryoso lang ang mukha nito, at ang mga matang yun, nakatitig lang sa akin.

“A.. ano..” Hindi ko malaman ang sasabihin ko. Nauutal ako. “Ahm..” Argh! Ano ba ang sasabihin ko? Magagalit ba ako kasi nagnakaw siya ng halik o matutuwa ako kasi nagustuhan ko yun?

ASDFGHJKL! Anong iniisip ko!? Nagustuhan ko yun? NO WAY! Hindi ko nagustuhan yun! Dapat nagagalit ako ngayon! ARGHHHHHH!

Tumayo na ako. “Hindi mo—“

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng bigla niya akong niyakap. Hindi na ako nakapagsalita. Para akong napipi. Diba magagalit ako? Asan na yung galit ko?

“Sorry. I know it was too sudden but..” Huminga ito ng malalim. “But I really want to kiss you.” Pinakawalan niya ako at hinawakan naman ang kamay ko. “Did you not like it?” Sumilay ang isang ngiti sa labi nito ng sabihin nito iyon.

Kinuha ko agad ang kamay ko. Para kasi siyang nang-aasar. “Hindi ko nagustuhan!” AISH! Pesteng lalaki to! “Sinong maysabi sayo na gusto ko yun ha! Hindi ka marunong humalik!” Tss. Humakbang na ako para sana umalis na pero kinuha na naman niya ang kamay ko.

“Hindi ako marunong humalik? Paano mo naman nalaman e ako pa lang naman ang lalaking nakakahalik sayo.”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon