Author's Note

1K 30 21
                                    

Dear Readers:

~Ay may ganyang effect? Haha. Choss. Anyway, Hi my dear readers. Alam ko nabitin kayo sa ending pero 'yun na lang talaga ang nakayanan ko e. Kung hindi kayo satisfied, (Awww) wala na akong magagawa. Yun na talaga yun e. hehe.

Well, akalain mo nga naman na umabot na siya ng one year. Grabe. Pagnagsusulat ako umaabot talaga ng isang taon. (Ganun din kasi nangyari sa iba kong stories) Tamad kasi ako mag-update pero joke lang yun syempre haha. Ayoko kasi mag-update pag wala ako sa mood. Magiging panget lang yung kalalabasan ng update kasi parang pilit lang kaya sa mga sumubaybay hanggang sa first update ko hanggang sa last update ko sa Hanggang Tingin Na Lang Ba,  THANK YOU SO MUCH. Thank you, thank you, walang katapusan na thank you ^_^

Some little facts po. Actually, wala dapat yung character ni Denver sa story na to. Haha. Dapat yung makakabunggo ni Aisha nun e si Nixon. Yung character ni Nixon, dapat e masyadong mayabang ganun. Pero sa kakabasa ko ng mga manga (Japanese comics), naiinis ako pag pinapaiyak ng male lead yung bida tapos yung second lead, andyan lang lagi tapos sa ending itsapwera siya. Kawawa naman yung second lead diba? Kaya nagdagdag ako ng isang character, si Denver nga. Sa una talaga, parang siya yung male lead at si Nixon yung second lead pero si Nixon talaga ang partner ni Aisha hahah. Pinapagulo ko lang talaga ang mga isip niyo.

Kaya nga natatawa ako pag gusto niyo si Nixon e. Kasi siya naman talaga ang makakatuluyan ni Aisha. ^__^ Kaya sa mga nag-aagawan kay Nixon, pasensya na kayo ah. Nixon is for Aisha only. And they are now, exclusively dating. Haha.

Nakita niyo naman, kahit gustong-gusto ko na nagpapaiyak ng mga readers ko e ginawa ko pa ding happy ending lahat. Para everybody happy. hehe. (Sorry sa mga napaiyak ko lalo na sa mga madramang chapters.)

Sa mga manghihingi ng BOOK 2. Punta lang po kayo sa profile ko or search niyo lang ang HANGGANG DITO NA LANG BA? yun po ang book 2 nito.

Sa mga nanghihingi sa akin ng Soft copy through Fb at wattpad hehe. I appreciate that you want to read it again but sorry talaga, hindi talaga ako nagbibigay ng soft copy. At saka wala din naman akong soft copy na ibibigay kasi sa cellphone ako nag-a-update. Inaayos ko lang yung spacing sa laptop pagkatapos. Kaya inuulit ko po, kahit sirang plaka na, wala pong soft copy.

Gusto kong magpasalamat sa mga nagbasa neto. Sa totoo lang nakakatuwa po lalo na kung may magcocomment. Ang saya sa feelings. Kahit na marami akong grammatical errors and typo, still nagtiis pa din kayong basahin ito. (Pasensya sa mga English nila ah. Haha. I'm not that very good at English kaya pagpasensyahan kung may mga mali.) Thank you talaga sa pagsuporta. Tapos na ang HTNLB pero pwede niyo pa din naman akong kamustahin hehe. Bukas na bukas ang message board ko sa mga hello niyo ;)) Magrereply ako kaagad. Promise.

And lastly, kung nagustuhan niyo ang story na to, meron pa akong mga finished and unfinished stories na pwede niyong basahin. Kung nagandahan kayo dito, baka magandahan din kayo sa iba kong stories. Visit niyo lang yung profile ko para makita hehe. Ayan, nagpromote na naman ako hihihi.

Well, tama na nga. Daldal ko talaga. Thank you talaga! Mamimiss ko kayo. Sana mamiss niyo din ako. Ahaha. See you guys soon ~

Signing off~

Simply_MM <3

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon