Thirty One*

3.7K 50 5
                                    

Thirty One*

PEEJAY’s POV

Ano bang meron sa araw na to? Bakit parang walang nagsasalita? Well, meron naman. Si Wilbert at Aisha. Nagluluto kasi silang dalawa sa kusina tapos nandito kami sa sala at dinig namin silang dalawa dahil lahat nang kasama ko dito, hindi nagsasalita.

Si Daryl, huwag niyo nang asahan pang magsasalita yan. Natutulog e.

Si Edcel naman, nagbabasa nang libro. Si Tristan, may binabasa din sa dyaryo at si Nixon naman, talagang tahimik siya. Ano bang meron? Pag ganito namang sabado at sama-sama kami dito sa black dorm, paniguradong maingay.. Pero anong nangyari ngayon?

“Aisha, pwede ka ba bukas?” Narinig kong tanong ni Wilbert. Hindi ko alam pero parang sinasadya nang lalaking yun na laksan ang boses niya. Tsk.

“Hmm. Pwede. Bakit?”

“Date tayo.”

Napahinto ako sa narinig ko. Pero mas napahinto ako sa inasal nang tatlong gising na kasama ko. Yung isa, muntik nang mapunit yung dyaryo, yung isa naman biglang isinara yung libro at yung isa naman biglang umayos sa kinauupuan.

“Okay..”

Ano? Bakit pumayag si Aisha na makipagdate kay Wilbert?? Anong meron ang lalaking yun na wala ako? Tsss. Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Nagpupunas na sila at inaayos yung mga plato. Tapos na pala silang magluto.

“Hindi ka pwedeg makipagdate kay Wilbert.” Atungal ko. Paglingon ko kay Wilbert, ang sama nang tingin niya sa akin. Don’t tell me, may gusto talaga siya kay Aisha? No way. Hindi pwede yun.

“At bakit hindi siya pwedeng makipagdate sa akin aber?” Naiinis na tanong ni Wilbert.

“Dahil sinabi ko.” Sagot ko naman.

“Arrogant brute.” Bulong nito na narinig ko.

“Ahm Pwede ka namang sumama Peejay e. Actually, sa park lang naman kami pupunta. Hindi pa kasi ako nakakapunta dun kaya niyaya ako ni Wilbert.” Nakangiting wika ni Aisha.

Napatingin naman ako kay Wilbert. “S-sorry, I didn’t know.” Para tuloy akong napahiya.

“Sa susunod kasi, alamin mo muna lahat bago ka magsalita okay.. Tssss. At saka may date ka bukas diba? So hindi ka makakasama.”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon