Thirty Six*

3.2K 42 9
                                    

Thirty Six*

 

WILBERT’s POV

Natatawa talaga ako kay Arwin. Ayun, hindi na ako nilabayan simula kahapon. Siya tuloy ang lagi kong kasama imbis na ang mga kaibigan ko. Pero pakunswelo ko na lang ito sa kaniya.. Ang tagal din kasi naming hindi nagkita. At isa pa, we’re bestfriends.

“Nakapagtapat ka na ba ha?” Tanong ko sa kaniya. Nasa beach kami. Pinanunuod sila sa paglalaro nang volleyball sa buhanginan.

“Ako? Tss. Ayoko ngang magtapat dun. Hindi ko na siya gusto no! Ang arte nun. Kala mo naman kagandahan.” Sabi nito na tila naiinis pa.

Binatukan ko nga. “Makapagsabi ka nang maarte at saka hindi maganda.. Mahal na mahal mo naman. HAHAHA.”

Sumimangot ito.

“Tsss. Hindi ko nga sinabi na dito kayo nagbakasyon para hindi ko siya makita e. At isa pa..” tumingin siya sa akin. “Nandito ka kasi.”

“E ano naman kung nandito ako? Asus. Ang tagal na nun. Nakalimutan niya na siguro yun.” Sabi ko naman. At isa pa, matagal ko na silang hindi nakikita kaya kung ano man ang nakalipas, maaring nakalimutan na nila.

Pero nakalimutan ko na nga ba ang tungkol sa nakaraan na yun?

“Wilbert!”

Kinawayan ko si Aisha. Tinatawag niya kasi ako. Tapos kinukumpas nito ang kamay nito, inaanyayahan akong maglaro nang Volleyball kaso umiling ako. Ayokong maglaro. Tutal, hindi naman ako marunong maglaro nang volleyball.

“Ang cute talaga nung Aisha.” Sabi ni Arwin.

“May gusto ka na sa kaniya?”

“Sus. Huwag na. Ang dami na nila, sisingit pa ba ako? At saka sinabi ko na, na may gusto na akong iba diba?”

“HAHAHA. Gusto mo pa nga siya. Gusto mo bang kausapin ko si Nanang at sabihin na papuntahin siya dito? Mas masaya yun. Reunion.” Sabi ko.

“With Peejay? No way. Hindi ko pa rin siya napapatawad sa ginawa niya.” Tiim bagang na sabi nito.

“Wala naman siyang kasalanan dun e. Wala talaga.” Napatango pa ako. “Kaya huwag mo nang isipin yun. Ano tatawagan ko na ba siya? Para na rin makapagtapat ka na..” at tinukso-tukso ko pa siya.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon