Thirty* (PART 4)

3.8K 49 4
                                    

Thirty* (PART 4)

AISHA’s POV

Tinitignan ko ang bawat manila paper na nakasabit sa pader nang hall. Nandun kasi ang mga scores ng bawat team. So far ay kami ang talo. Nangunguna na kasi ang Yellow team at Red team. Talo kasi kami sa basketball e ang laki nang points nun. Kaya kahit anong gusto kong gawin na manalo pa kami, wala na rin. Wala nang pag-asa.

“Talo na tayo.” Narinig kong wika nang katabi ko. Oo nga pala, kasama ko ang kapatid kong si Alhonie na siyang leader namin. Tinignan ko siya. Hindi siya malungkot o nanghihinayang man lang. Siguro kasi eto na talaga yung personality niya, sports lang kumbaga.

“Okay lang yan. At least we tried our best diba?” Sabi ko naman at ngumiti pa sa kaniya.

Nginitian niya pa ako at ginulo ang buhok ko.

“Wow. How sweet.”

Napalingon naman kaming dalawa ni Alhonie.

It was Edcel, holding a bunch of papers.

“Hmm. Busy with the SSC?” Tanong naman ni Alhonie at hindi pinansin ang sinabi nang huli.

“Yeah. And it wasn’t nice at all. I can’t participate in the games I wanted to play with. Samantalang ang president namin, pwede. Isn’t it unfair?” Reklamo nito pero nakatingin ito sa akin at hindi kay Alhonie. Napilitan tuloy akong tumingin sa iba dahil hindi ko matagalan ang tingin niya sa akin. Nakakailang…

“Ah. HAHA. Ganun talaga yan e. Hayaan mo na.” Sabi naman ni Alhonie.

“Sige. Kailangan ko nang umalis..” Paalam nito at umalis.

Sinundan ko naman siya ng tingin.

“HAHAHAHA.”

Napakunot naman ang noo ko nang marinig ang tawa ni Alhonie. ANONG MERON? Bigla-bigla na lang kasing tumatawa e. HALLA! May sapi ata tong kapatid ko e. Dahil kaya talo na kami? Teka? Bakit naman siya matutuwa e talo na nga kami? AISH! Ano ba tong pinag-iisip ko!?

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon