Forty Four*

2.4K 32 23
                                    

Forty Four*

 

(A/N: Mga saloobin ng mga gragraduate! HAHAHA!)

 

PEEJAY’s POV

Napapikit ako at sinamyo ang halimuyak ng hangin sa M Academy. Mami-miss ko to. Tatlong taon din akong naglagi dito. Sa tatlong taon na yun, ang daming nangyari. At ni isa sa mga iyon, wala akong pinagsisisihan. Aalis ako sa paaralan na ito na may magandang ala-ala.

“Okay ka na?”

Iminulat ko ang mata ko kasabay nang pagngiti ko. Aish. Hindi ko talaga mapigilang ngumiti lalo na at katabi ko yung taong nagpapasaya sa akin.

“Lagi naman akong okay ah. Ikaw, okay ka lang?”

Kumunot naman ang noo nito at nagsalubong ang kilay. “Ibig sabihin pag inaaway kita, okay ka pa rin? Pag nagseselos ako, okay ka pa rin? Tss. Grabe ah.”

Kinurot ko nga ang pisngi niya. Masyadong madaldal e. HAHAHA.

“Pwede ba!? Huwag kayong maglandian sa harap namin.” Sabat ni Tristan.

Sinamaan ko nga siya ng tingin. Kahit kailan talaga! Panira ng momentum to e. Tss. Nandito kami ngayon sa garden nang Black Dorm at napagpasyahan namin na dito i-celebrate ang pagtatapos namin ni Wilbert nang high school.

Tinignan ko silang lahat. Nasa iisang malaking bilog na lamesa lang kami.Nakangiti naman silang lahat. Mali. Hindi pala lahat. Nakasimangot si Tristan. Nagbabasa si Edcel. Natutulog si Daryl. Walang pakialam si Nixon. Si Aisha lang at Kuya Russel ang nakangiti. Pesteng mga to. Celebration ba to o ano?

“Iss. Doon na nga lang kayo. Kami na lang ni Wilbert magcecelebrate.” Sabi ko at kinuha ang kanang kamay ni Wilbert.

“Ooops. Hindi pwede.” Si Aisha na nakangiti pa din.

“Bakit naman prinsesa ko? Ayaw mo ba kaming maging masaya ni Wilbert?” Tanong ko na may paawa effect pa. Umubra sana.

“Tss. OA.” Si Tristan.

Basag trip talaga ang lalaking yan! Kung hindi lang ako nginingitian ng sweet ni Wilbert e kanina pa to nakatikim sa akin.

“E kasi po hindi lang tayo ang magce-celebrate ng graduation niyo. May mga bisita tayo.”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon