Six*

5.5K 54 4
                                    

Six*


AISHA's POV

Sino ang first kiss ko? Hindi kaya nananaginip lang ako kanina? Pero totoong-totoo talaga yun e. Basa pa nga labi ko e. Hindi kaya laway ko lang yun? Baka nga..

"Uy." Naramdaman naman ko na lang na may sumiko sa akin. Si Tristan.

"Uy." Walang ganang sagot ko naman.

Nasa dining room kami ngayon. Actually, dalawa lang kami. Yung iba. Wala. Si Kuya Russel naman, may inasikaso. Tungkol ata sa magiging kwarto ko. Gusto ko din naman yun pero siya lang talaga yung matino kong nakakausap e. Katatapos lang namin kumain.

"Okay ka lang? Hindi ba masarap yung luto ko? Pasensya ka na ah. Pagtyagaan mo na lang. Hindi talaga ako marunong magluto e, magbake pwede pa. Si kuya Russel talaga yung marunong magluto e."

Kita niyo na? Ang daldal niya super! Tapos siya pa yung magiging roommate ko ngayong gabi at sa susunod pang mga araw. Makatulog pa kaya ako neto? Syempre, baka kwento siya nang kwento diba?

"Ahm. Naiingayan ka ba? Sorry." Malungkot na sabi nito. Tumayo na ito. Kinuha ang pinagkainan naming dalawa.

Bakit nasasaktan ako? Sa paraan nang pagsabi nito nang mga bagay na iyon. Ni minsan hindi ko yun naramdaman tuwing SILA ang nagsasalita nang ganyan. Yung malungkot na nagtatampo na nasasaktan. Wala akong pakialam sa ganun pero bakit pag siya..

"Wait.."

"Hmm? May iuutos ka ba? Ahm. Yung mga gamit mo ba? Dinala ko na sa kwarto ko para hindi ka na mahirapan."

"Bakit ang bait mo?"

Kumunot naman ang noo nito. "Mabait? Gusto lang kasi kitang maging kaibigan. Yun lang. Sorry kung madaldal ako ah. Gusto ko kasing magsalita ka rin."

"Gusto mo ba akong maging kaibigan dahil mayaman ako?" Yun naman palagi e. When I was young, My Lola gave money for those kids who befriending me. In short, binabayaran ng lola ko ang mga batang nagiging kaibigan ko. In short daw e tinagalog ko lang. Hayyy. Kaya nga lahat nang mga kaibigan ko, plastic! Gusto lang nila nang pera ko. Pinagtitiisan nila akong makasama para after nun, may pera sila.

Paano ko nalaman yun? Simple lang. Narinig ko yung dalawang katulong namin which is yung isa, nanay nang kalaro ko. Nakatanggap daw ito nang malaking halaga kasi naging kalaro ko yung anak niya. Kaya nga kahit iniinis ko na yung mga kalaro ko, hindi pa rin sila umaalis sa tabi ko, Why again? Syempre, pag umalis sila sa tabi ko. Mawawalan na din sila ng pera.

And I hate that! Kinaibigan lang nila ako for that stupid money!? The hell! That's why I hate everyone! They always talk about money! What about me? What about the TRUE me?

"Hindi. Bakit naman kita kakaibigan dahil sa pera mo? Oo, alam kong wala akong pera pero hindi ibig sabihin nun gagamitin na kita."

"Really?"

Bumuntong hininga ito. Nilapag ulit ang mga plato sa lamesa. Lumapit sa akin at pinisil ang pisngi ko. "Hindi ko pa nasabi sayo na ang panget mo pag malungkot ka? Dapat nakangiti ka."

"Awww.." Sabi ko. Ang sakit kasi e. Pisilin daw ba ang pisngi ko?

"Ay sorry.. Halla! Namumula na!"

Hinawakan ko naman ang pisngi ko. Ang sakit talaga. Loko to. Lumapit din ako sa kaniya at ginaya ang ginawa niya. Nagulat naman ito sa ginawa ko tapos hinawakan ulit ang pisngi ko at pinisil.

"Mashakit kaya.." sabi ko. Pero hindi pa rin binibitawan ang pisngi niya.

"Ee masakit pala. Bitawan mo na ang pisngi ko." Sabi nito pero nakangiti.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon