Twelve*

5K 50 5
                                    

Twelve*


AISHA's POV

Napalunok ako habang papasok sa madilim na silid na iyon. Tapos bigla pang sumara yung pinto nang nakapasok na ako. Hindi naman brown-out diba? Bakit ang dilim naman ata sa kwarto nang lalaking to? May flashlight ako dito sa bag ko. Kinalkal ko ang bag ko. Unfortunately, hindi ko mahagilap ang letseng flashlight na yan T_T

Nakakatakot naman.

"Hmm? Aisha?"

"Ay Kabayong maganda!" Sigaw ko at nabitawan ko pa ang bag ko. Napalingon ako. Si Nixon, nakasandal sa may labas nang pinto. Naka-crossed arm pa.

"Ahm Good evening.. hehe." Napapakamot tuloy ako. Kainis naman kasi e. ang dilim -___-

Ini-On nito ang switch ng ilaw. Nagliwanag ang paligid.

"WOW!" Yun ang biglang lumabas sa bibig ko. Paano naman kasi ang daming posters! Posters nang mga boyband na paborito ko! OH-MY-GOSH! Ang gagwapo pa nila sa mga posters! Merong westlife, Backstreetboys, N-sync, A-1, Blue, 98 degrees at so many more pa! Oh gosh! Pwede ko bang iuwi yung isa sa kanila??

"Don't tell me, you're into boybands??"

Tango ang isinagot ko habang tinitignan isa-isa ang posters. Pero nafocus ang tingin ko nang makita ko ang poster na iyon. Hindi iyon sikat na boyband. Pero isa kasi si Nixon doon. May hawak itong gitara at nakangiti nang sobra. Ang gwapo niya dito.

"Bakit mo naman tinitignan yan?"

Nilingon ko siya ulit. "Dati kang may banda?"

Kinuha nito ang box ko na nasa labas nang pintuan. "Wag mo nang abalahin ang sarili mo sa mga walang kwentang tanong na yan." Nilagay nito ang Box sa kama. "Dito ka sa kama. Meron naman akong folding bed kaya dun na lang ako. Ayusin mo na ang gamit mo. Kung may kailangan ka, I'm just there." Tinuro nito ang labas nang bintana kaya naman napataas ang kilay ko.

"May veranda ako."

"Ah.." Kaya naman pala. Wala kasing ganun sa kwarto ni Nixon e.

Pagkatapos pumunta na ito sa may veranda daw nito, which is lumabas siya sa may bintana. Magpapalagay na nga lang nang veranda wala pang pintuan? Tsss.

Inayos   ko na lang ang mga gamit ko. Sunday pala bukas. Hindi ko alam kung uuwi ako sa bahay namin o hindi. Kung uuwi ako, ano namang mapapala ko? Mas gugustuhin ko pang tumambay dito kaysa dumalaw dun kahit kalahating araw lang naman.

*Ring Ring Ring*

Asan na ba yung cellphone na yun? Hanap.. Hanap... Hanap... AH! Eto lang pala. Sinagot ko ang tawag. "Hello?"

"Anak!"

Bakit may pagka-galak ang pagtawag mo sa akin nang anak? Samantalang noon, tuwing galing ako sa eskwelahan, Ni yakap o halik.. wala mula sayo. Pero pag nakikita mo ang mga anak mo, natutuwa ka. Bakit hindi mo magawa sa akin yun nang personal? Kailangan bang maramdaman ko iyon over the phone??

"Ano yun?" Walang emosyong tanong ko. Huwag niyo akong sisihin kung bakit ganito ako sa inyo. Dahil hindi niyo din ipinararamdam sa akin na mahal niyo ako. Na anak niyo ako. Na kabilang ako sa pamilya niyo.

"I just can't wait to see you kaya nandito ako ngayon. Sinusundo ka."

Parang lumukso ang puso ko sa sinabi niya. Buong buhay ko, hindi niya pa ako sinundo sa eskwelahan ko. Laging driver lang ang sumusundo sa akin.. kaya.. kaya masaya ako. Napahigpit pa ang hawak ko sa cellphone ko.

"N-nandito ka?"

"Oo anak. Nasa may gate ako nang M academy. Hinihintay ka."

Napangiti ako. At medyo naiiyak ako sa sobrang tuwa. "Sige po. Dadating ako dyan.. daddy." Agad kong pinatay ang cellphone ko at inayos nang mabilis ang mga gamit ko. Ang shoulder bag ko lang naman ang dadalhin ko.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon