Eleven*

5.4K 49 5
                                    

Eleven*


AISHA's POV

ASDFGHJKL!!!!

Gumising ako nang maaga kasi akala ko may pasok. Yun pala WALA!! SABADO KASI NGAYON! SABADO! ANG KATANGAHAN KO NGA NAMAN KASI MINSAN DIBA?? Lumalala! Grabe!

 At naghihilik pa sa baba si Tristan. Kumuha ako ng tuwalya at damit sa bag ko at pumunta nang banyo. Nagtoothbrush ako at pagkatapos ay naligo.

Napailing na lang ako habang palabas sa banyo.

Kailan ko pa nakalimutan ang araw nang sabado at kailan pa ako naging excited sa pagpasok sa school? Dati-rati.. tinatamad pa akong bumangon sa kama at naiinis na ang mga katulong sa akin dahil sila ang napapagalitan tuwing nalelate ako.

Unti-unti na nga ba akong nagbabago? Hmm.

Dahan-dahan akong lumabas nang kwarto. Ayaw ko naman istorbohin ang tulog ni Tristan at alam kong mamaya pa yan babangon kasi nga walang pasok. Dumeretso ako sa kusina. Kumukulo kasi ang tiyan ko, baka may makakain ako dun.

Medyo madilim pa sa labas.. Nang makarating ako sa kusina ay agad kong binuksan ang refrigerator.  May nakita naman akong biscuits. Kinuha ko iyon. Luminga-linga din ako. Nakita ko ang thermos. Binuksan ko, walang lamang tubig. Wala bang electric thermos dito? Yun ba tawag dun. Basta yung isasaksak mo na lang para magpakulo nang tubig.

Paano ako maggagatas niyan? Hindi ako marunong magpakulo nang tubig at mas lalong hindi ako marunong magbukas nang gas stove kung saka-sakali.

"Having troubles?"

"Waaaahhh!"

"HAHAHAHA."

Nilingon ko si Kuya Russel. Napakamot ako ng ulo. Kasi naman ee. Ginugulat niya ako. Lumapit ito sa akin na natatawa pa rin.

"Ano bang ginagawa mo? Ang aga pa ah. May pasok ka ba?"

Umupo ako sa upuan. "Akala ko kasi may pasok." Umiiral kasi minsan pagkashunga ko e.

"HAHA. And?"

"Gusto ko sanang magtimpla nang gatas kaso walang mainit na tubig." Nahihiyang sabi ko.

"Ah. Yun lang pala e. Sige. Maghintay ka lang dyan." Kinuha nito ang takuri at nilagyan nang tubig. Binuksan ang gas stove, at ini-open at nilagay doon ang takuri. Pagkatapos ay kumuha ito nang walong itlog, hotdog, bacon sa ref.

May inilabas din itong isang lalagyanan sa ref. Nang buksan niya iyon ay kanin pala ang laman. Nilagyan niya iyon nang Maggi magic sarap. Pagkatapos ay kumuha ito nang bawang at hinati-hati iyon. Nag-open nang panibagong apoy, nilagay doon ang kawali.

"Kuya Russel, sinong nagturo sa inyo para magluto?"

Mukhang natigilan naman ito sa tanong ko. Ewan ko kung bakit mukhang nalungkot ang mga mata nito nang tumingin sa akin. Guni-guni ko lang ba iyon?

"Ahmm.. Si.. Si Ate Janice ang nagturo sa akin kung paano magluto.."

"Janice?" Kapangalan pa nang real mother ko.

"Yeah. Your mom."

Pagkagulat ang rumehistro sa mukha ko nang marinig iyon. Kilala niya ang mommy ko? Kaya ba mabait siya sa akin? Ganun ba iyon?

"Hmm. I was your 5 0r 6 years old when I met your mom."

"Hah?"

"Pinagbubuntis ka niya nang mga panahon na yun. Lagi siyang pumupunta dito sa Black Dorm and at that time, dito na ako nakatira. My father was the landlord by that time. And I was frustrated dahil ayaw ko rito. Gusto ko sa mommy ko. Sinusingitan ko nga ang mommy mo doon dahil napakakulit niya."

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon