Eighteen*

5K 54 17
                                    

Eighteen*

AISHA’s POV

Nag-unat ako nang kamay habang nakapikit pa ang mata ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Ang dilim pa sa kwartong yun. Inabot ko ang box ko. Hinagilap doon ang flashlight. Nang nakuha ko iyon ay agad kong ini-ON. Agad na nailawan ang sang katerbang libro na nasa shelves. Inilipat-lipat ko ang direksyon ng ilaw ng flashlight.

Napataas ang kilay ko nang makita ang KURTINA na yun. Napaka-hospitable talaga nang lalaking nasa kabila nang kurtinang yun. Ni hindi man lang ako binigyan ng sapin. Mabuti na lang binigay sa akin ni Nixon ang comforter niya kaya hindi ako masyadong nilalamig tuwing gabi. Ang lamig pa naman sa kwartong to dahil sa aircon.

Pangalawang araw ko na sa kwartong to pero hindi ko pa rin gaanong nakakausap si Edcel. Nakakapagtaka nga kahapon na sinundo niya ako sa library. At dahil masyado nang hapon, sumama na lang ako.

Alam ko naman na ayaw niya sa akin. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang sinabi niya tungkol sa akin nang araw na yun.

 

 

 

“I don’t like her attitude. Oo nga, mayaman ang pamilya nang mga Castillo, but that doesn’t give her the rights to do that! And look! Ngumiti pa siya na para bang wala lang.. Tss. Alam niyo bang hindi siya matalino? Wala siyang katalent-talent. And she’s not even good at socializing other people..”

My Attitude? Sisihin niya kapatid ko kung bakit ako naging ganito. Masayahin naman ako noon. Laging nakangiti at laging positive sa mga bagay-bagay.

MATALINO AKO! Tamad lang akong mag-aral. Wala din naman nakaka-appreciate para magtanong kung anong nakuha ko sa ganito, ganyan. Yung tinatanong kung kasali ba ako sa honor list. Yung tinatanong kung anong nangyari sa akin sa school. Walang ganun. So bakit pa ako magpapakahirap na mag-aral?

TALENT? Hello? Magaling akong magdrawing! Magaling akong kumanta pero hindi na ako kumakanta dahil wala din namang gustong making sa boses ko. At saka marunong na akong tumugtog nang gitara.

Yeah. I’m not good at socializing other people. I’ll always give them an eerie atmosphere. Kaya nga walang nakikipagkaibigan sa akin. Kung meron man, sila yung mga taong hanap lang ay pera. Pero hindi na ako yung taong nagpapa-uto katulad nang dati, kaya pati ang mga taong yun, hindi na makalapit sa akin. But this time, it was different. Kahit anong gawin ko, Meron na akong kaibigan na hindi lang pera ang hanap sa akin. Isang Easy Go lucky na nagturo sa akin kung paanong ngumiti, isang taong walang imik na tinuruan ako kung paano tumugtog at paano tumulong At isang Kuya na laging nakasuporta sa akin.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon