HTNLB? Extra Story

1.2K 32 27
                                    

A/N: Namiss ko nang sobra ang story na ito. Kaya eto, gumawa ako ng extra story para sa mga nabitin hehe. will dedicate this to my FB and wattpad friend, Izzy! Para sayo 'to! Haha. H'wag ka nang magtampo kung hindi kayo nagkatuluyan ni Nixon. Haha :)

And for the readers, Hope you like it <3

AISHA's POV

Oh my! Kinakabahan na talaga ako. Graduation ko naaa! Nahuli ako ng isang taon kela Nixon kasi hindi ako nakapasok ng three months. Buti pa sila, college na. Ako, magka-college pa lang.

Napaka-harsh naman ng life pero I'm Happy. Kung noon, iniisip ko na wala akong pakialam sa kanila kasi wala din naman akong pakialam sa sarili ko e.

Ngayon, I'm happy, free and sin- Ooops! I'm not single pala. One year and three months na kami ni Nixon. Oh diba? Yiee. Iniisip ko palang siya, kinikilig na ako.

"Stop day dreaming will you? Nahihirapan akong ayusan ka!" Reklamo ni Ate Ansherina na siyang nag-aayos sa buhok ko.

"Ate naman, H'wag mo naman akong sabunutan. Parang gusto mo akong kalbuhin e." Reklamo ko naman kaya tumawa sila Raquel at Jeddea na tumutulong kay ate sa pag-aayos sa akin.

"Bakit naman kasi girl, sa amin ka pa nagpa-ayos? Mayaman ka naman. You can afford hair stylist and make up artist." Si Jeddea naman ang nagrereklamo.

I giggle. E kasi kahit na nagrereklamo na sila, pinagbubutihan pa din nila ang pagkukulot sa buhok ko. Si Raquel naman ang nagme-make up sa akin.

"Aisha pikit ka. Lalagyan ko nang eyeshadow ang mata mo." Utos sa akin ni Raquel kaya naman ipinikit ko ang mata ko.

"Teka ano bang mas magandang kulay na babagay sa kaniya? Blue, violet or pink?"

"Why not try pink? Para girly?" Dinig kong sabi ni Jeddea. Nakapikit pa din kasi ako.

"Blue ang gamitin mo. Yung light lang para ma-emphasize ang mata niya, use this rollerball eye shadow. Mas maganda ito kaysa sa powder." Suggestion naman ni Ate.

Pero hindi ko sila naiintindihan. Wala naman kasi akong alam sa make up kundi yung polbo at lip gloss.

Maya-maya ay naramdaman ko na ang malamig na bagay ba yun sa mata ko.

"Okay na ba? Hindi masyadong light pero hindi din masyadong dark. Tama lang. Okay na ba?" Tanong ni Raquel.

"Hmm.. Why don't you put some liquid eyeliner? Para mas madefind yung eye shadow niya." Si Jeddea naman yun.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon