Sixteen*

4.9K 54 4
                                    

Sixteen*


AISHA's POV

Pang-anim na araw ko sa kwarto ni Nixon. Feeling ko nga hindi ko siya nakasama sa kwartong 'to. Lagi naman kasi itong nag-iisa sa balkonahe nito. At saka mas madalas kong kasama si Tristan. Hindi ko naman kasi makausap nang matino si Nixon. E pano? Naka-earphone siya palagi. At saka medyo nahihiya din kasi ako sa nangyari nung isang araw.

Huling araw ko na 'to. Bukas lilipat na ako. Sa kwarto naman ni Edcel na minsan lang ata ako kinausap nang matino. Nung araw na sabihin niya na pinapasabi ni Kuya Russel na sabay-sabay kaming kakain.

At hindi ko pa nakakalimutan 'yung mga sinabi niya tungkol sa akin. 'Yung tungkol sa research thingy. Ang kwento kasi sa akin ni Tristan, si Edcel daw ang nangunguna sa ranking. Nakakagulat nga e. Akalain mo? Hay. Parang ayaw ko tuloy siyang makasama sa iisang kwarto. Ayoko ngang mag-aral e. Kaya siguro kavibes ko si Tristan, parehas kasi kami. HAHA.

"Aisha. Oh." Inabot sa akin ni Tristan 'yung platong may lamang cheese cake. Nagluto kasi si Kuya Russel e. Kinuha ko naman 'yun. Natatakam na ako. Ang sarap kasi magluto at saka magbake ni Kuya Russel. Siguro nga, tumataba na ako. Napapasarap kasi ang kain ko.

"Ang sarap! Iba talaga si Kuya Russel magbake!" Si Tristan na nilalasap bawat subo nang cheese cake.

"Oo nga e." kako naman habang kumakain na rin.

*BAM!*

Napatigil kami sa pagkain ni Tristan nang marinig namin ang pagbagsak na iyon. Galing sa balkonahe ang ingay. Kaagad naman naming tinignan kung anong nangyari. At nakita namin si Nixon at ang sirang gitara.

"Sinira mo gitara mo?" Tanong ni Tristan na hindi nagulat. Parang normal lang ang reaksyon nito samantalang ako, gulat na gulat. E kasi naman, mukhang personalized 'yung gitara tapos sisirain lang? May topak ba siya at napagdiskitahan niya ang kawawang gitara?

"Nadulas ang kamay ko." 'Yung lang ang sagot nito at nilagay sa gilid ang pobreng gitara.

Nadulas ang kamay? Putol ang hawakan nang gitara nadulas? ARGH! Ibang klase. GALIT BA SIYA?

"Sige. Halika na Aisha." Hinila na ako ni Tristan at bumalik na kami sa kinauupuan namin kanina. Pero hindi ko makalimutan 'yung nakita kong ekspresyon sa mukha ni Nixon. He was definitely sad. I saw it. Alam kong sinandya niyang sirain ang gitara niya. Pero bakit? Anong dahilan?

"Huwag mo nang pansinin si Nixon. May topak lang 'yun." Sabi naman ni Tristan. Napansin niya sigurong natahimik ako.

Tumango na lang ako. At nagsimula na namang kumain.

HAPON na. May trabaho kasi si Tristan kaya wala akong makausap. Si Peejay at Wilbert, umuwi muna sa kanila. Si Edcel, medyo busy sa student council. Si Daryl, malamang tulog 'yun, lagi naman. Si Kuya Russel naman, may inaasikaso daw. Kaya eto ako ngayon sa hardin. NGANGA. Tinatamad naman akong magdrawing.

Ayaw ko ding maglakad-lakad kasi tinatamad nga ako. E kung matulog na lang kaya ako kaysa sa ganitong para akong baliw na nagmomonologue mag-isa dito.

Tumayo na ako. Nag-unat. Pumasok sa loob. Matutulog na lang ako. Para mamaya, may lakas akong gawin ang mga assignment ko. Nasa tapat na ako ng kwarto ni Nixon. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Sumilip muna ako sa loob para makita kung nandun si Nixon o wala. Mabuti na lang wala. Umalis kasi 'yun kanina. Ewan ko ba kung saan pumunta.

Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa kama. Binagsak ko ang katawan doon.

Pumapasok ang hangin na nagmumula sa balkonahe. Ang sarap tuloy matulog. Napapapikit na ang mata ko nang may biglang tumugtog na gitara.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon