Cassandra's POV
Naglalakad na kami pabalik ng suite ng natatanaw namin sila sa nagpapahinga sa isa sa mga lounger doon. May mga miryenda din sila.
Kumaway agad sina Hannah samin. All this time nakakagat ako sa labi kasi naman.. ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa ginawa ko kanina.
I initiate the kiss! For everyone sake! Ahhhhhh!!!! Ako yun unang humalik! My Gard! I let my emotions caught me off guard.
Sabay lang kaming naglalakad ni Toff. Dala dala niya ang mga gamit namin. Ramdam ko naman na tinititigan niya ako. Siguro nagtataka sya kung bakit natatahimik ako.
Nang nakalapit na kami sa apat. Naramdaman ko ang titig nila samin.
"Mukang nag enjoy kayo doon ah.." Hannah tease me. Hindi ko maitago ang pagpapanic. Nakita ba nila kami doon!?
Nag init ang pisngi ko.
"Shh.." Saway sa kanya ni lucian na nagpipigil ng ngiti.
Kaya lalo lamang akong namula.
"Yeah we enjoy.. So what?" Supladong sagot ng katabi ko.
Kaya natawa na talaga si Lucian. "Kung sana andito yun 3. Your dead Kristoff." Ang ibig niyang sabihin yun tatlong leader pa ng Bvs.
Umismid si toff. "Kahit andito sila, its wont stop me.."
Kumabog ang puso ko sa sinabi niya. Si hannah naman ay panay ang tawa.
"Right baby?" Sabay tingin sakin ni toff na nagpalaglag ng panga nila hannah at maxwell.
He become PDA now!!!
Umakyat yata sa mukha ko ang lahat ng dugo kasi nag init ito ng husto.
Nagmura si Lucian. Naubo naman ng malakas si Maxwell. Si Yvonne naman na tulala samin at si hannah na napanganga din.
"Oh shit. I didn't see this coming.." Untag ni lucian na nirerecover ang sarili sa pagtawa at pagkabigla.
"Toff..." I hissed.
He just smirked.
"Get a room!" Si hannah.
"Yeah we will.." Sagot naman ni toff na nagpaalarma sakin. Binibigyan niya ng maling imahinasyon ang mga tao dito!
Kaya kinurot ko sya sa tagiliran. "Ar-aray!"
Sinamaan ko sya ng tingin. Pero ngumiti lang sya sakin.
Umupo sya sa katabing lounger nila hannah. Habang nakaupo si Toff.. Nahuli ko si Yvonne na titig na titig sa tyan ni Toff. Kaya nahuli ko din ang tingin ni maxwell na malulungkot ang mga mata.
Nakipag titigan ako ng halos 5 segundo pero ako din ang unang bumitaw. Bakit ganon naman ang mga mata niya..
Hinila ni toff ang kamay ko kaya napaupo ako sa tabi niya.
Sinamaan ko sya ng tingin. This guy!
"Later, let's go to the bar." Aya ni Toff sa kanila.
Lahat naman sila ay sumang ayon. Hindi din nagtagal nagtungo na kami sa aming mga suite.
Habang papasok kaming 6 sa building sa bawat dinadaanan namin ay napapatingin samin ang mga tao. I bet.. Because of the boys.
They look like a living greek gods.
Kaming 6 ang nasa elevator. Naunang lumabas samin sina Maxwell at yvonne. Dahil nasa 3rd floor lang ang kanila. Sina hannah naman ay sa 4th floor at kami ang huli.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
General FictionWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...