Chapter 65 - My Super Man

239 13 0
                                    

Cassandra's POV

Dahan dahan kong dinampian ng betadine ang kalmot na ginawa sakin ni Alex kahapon. Panibagong araw nanaman ito para sakin. Nagpapasalamat talaga ako dahil walang Instagram si Mama o si Papa kung hindi lagot ako.

Maraming kumalat na video. Hindi ko alam na may camera pala sa loob ng Cr na iyon kaya masasabi ko talagang planado ang bagay na iyon. Hindi nakita sa Video ang pagkalmot niya sakin. Tanging ang sampal ko at pagkwelyo ko lang sa kanya ang makikita doon.

Lalagyan ko sana ng bandaid pero mas mainam na huwag makulob ang sugat. Kaya ayos na na ganon tsaka kalmot lang naman iyon. At least hind sugat na malalim.

Tinext ko si toff kanina na mag iingat sya ngayon araw. At mahal ko sya.

Pangatlong araw na ito at ito na ang huling araw na wala ang mga gang leader ng school. At pang apat na araw na walang komunikasyon ni toff.

Nakakamiss..

This is the worst day ever in my entire life of my school years. Mi-minsan di pa ako nasangkop sa ganitong kaseryosong issue.

Sinundo ako ni hannah at masigla at  hindi nagpapahalata ang kanyang aura. Pagkasakay namin sa kanyang sasakyan. Lumungkot agad ang kanyang mukha.

"Kamusta ka? Nakita mo ba.. Yun nasa IG? Ang sama talaga ang ugali niya! Gusto ko syang isumbong kay lucian pero.. Alam kong makakarating din kay Kristoff kapag ginawa ko iyon kaya... Hindi nalang."

Nginitian ko sya. "Okay lang ako hannah. Basta huwag ka lang nila idadamay.."

"Cassandra huwag ako ang alalahanin mo. Kundi ang sarili mo! Bitch talaga sya! Pinagkalat pa niya ang pagsampal mo sa kanya at talagang muted pa ang video. Kung alam lang sana nila ang dahilan kung bakit mo sya sinampal."

"Eyes on the road hannah. Baka hindi tayo makarating nito."

"Kung pwede lang sagasaan ang babaeng iyon. Nako!"

"Hannah.. Hindi ka tinuruan ni tita ng ganyan."

"I cant help it! She ruined your images! At wala tayong laban doon! Wala tayong panlaban doon.."

"Malapit na din naman ang Graduation kaya ko naman maka graduate kahit magulo."

"Hello? December palang.. March pa yun Graduation na sinasabi mo."

"Wait.. December na?" Tila ngayon lang nagseek in sakin na december na nga pala! Oh no...

"Duh? December 1 ngayon!"

Lalong lumaki ang Mata ko. Nakalimutan ko... Nakalimutan ko... Argh!

"Hannah.. Nakalimutan ko.."

"Ang alin?"

"Monthsary namin ni toff.."


"Huh? Hindi ko magets."

"Hindi ko sya nabati.."

Biglang naihinto ni hannah ang sasakyan. "What? You mean hindi mo sya nabati sa First monthsary niyo?"

Tumango ako. "Oo.."

"Kailan pa ba iyon?

"Nung nakaraan linggo pa.. Teka nga.. Hindi rin niya ako binati.." Nakaramdam ako ng lungkot. Andito pa sya non. Linggo iyon. Umaga sya ng lunes umalis. Kaya nasa pilipinas pa sya non. Bakit ba nawala sa isip ko ang bagay na ito.

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon