Cassandra's POV
Dumaan ang sabado nasa bahay lang talaga ako. Nakakatakot lumabas ng bahay at malaman na nandoon sya at nag aabang. Ayokong mag-assume pero.. ewan.
Nag practice kami ni papa ng mix martial arts. Tinuruan niya ako gumamit ng arnis. Nahirapan ako lalo na napapalo ko mismo ang aking sarili. Pero.. kaya ko naman.
Pawis na pawis na ako ng natapos kami ni papa. Sa likod bahay namin iyon ginagawa. Sa likod kasi ng bahay namin ng punching bag na nakasabit sa puno at ilan equipments.
"Great Job. Konti pa." Tinapik ni papa ang balikat ko.
Ngumuso ako kasi alam kong di pa ako magaling. He cheer me up to make me feel good.
Tumawa si papa tsaka nagseryoso. "Sa susunod na sahod ko. Bibilhan na kita ng cellphone." Hindi iyon tanong.
Agad akong tumanggi. "Pa! Wag na po."
"Anak, kailangan mo na non."
"Next time nalang pa. Kapag po nag-college ako." Hinawi ko ang buhok na nakadikit sa aking leeg.
Huminga siya ng malalim. "Ikaw lang ang kilala kong ayaw magkacellphone. Oh sige.. maligo kana. Naghanda ata ang mama mo ng miryenda." Untag ni papa at iniwan na ako sa likod bahay.
Linggo na ng hapon. Umakyat ako sa kwarto at nagdesisyon maligo. Lumabas ako ng nakatapis lang ng tuwalya. Ginagawa ko naman talaga ito. Kaso nagulat pa ako ng nakabukas pala ang bintana ng kwarto ko.
Nakakunot kong pinuntahan ang bintana ko. Tsaka isasarado na sana.. ng nahagip ko ang nanglilisik niyang mga mata.
My jaw drop na agad ko din sinarado. Nanlaki din ang mga mata ko. At nakaramdam ako ng matinding kabog sa aking puso. Mabilis kong sinarado iyon.
Nakatuwalya nga lang pala ako!
Agad akong nagtungo sa banyo para doon na magbihis. Kahit di naman niya talaga ako makikita. Pero naconcious talaga ako!
That.. guy! Anong ginagawa niya dito?.. oh no.. yun puso ko kumakabog nanaman ng dahil sa kanya.
Kahit bagong ligo ako. Pinagpawisan ako ng malamig. Kainis! Bakit sya andito. Hindi pa ako nakakamove on sa ginawa niya sakin nung friday. Ngayon dinagdagan pa niya.
Nakatshirt at short na ako ngayon. Basa parin ang buhok ko. Mga 20 minutes na siguro ang nakakalipas. Kaya binuksan ko muli ang aking bintana para icheck kung umalis na ang lalaking iyon.
Pagbukas ko.. halos atakihin ako sa puso. Dumoble o triple pa ata ang pagtibok nito ng nakita ko syang nasa bubong mismo kung saan nakatapat ang bintana ko. Kaya halos magkadikit na ang mukha namin sa sobrang lapit.
He wink na nagpaatras sakin. Umatras nanaman ang dila ko! Wala akong masabi.
Imbis na sumigaw ako kasi nandito sya sa bintana ng kwarto ko ay di ko nagawa. Nasa 2nd floor ang kwarto ko so paanong nakaakyat ang isang to. Tsaka... argh. Paano???
Dalawang atras pa ang ginawa ko kasabay non ang pagpasok niya. Tumalon sya kaya nanlaki pa ang mata ko. Oh no... baka pumasok si mama.. maloloka ako kapag nakita niyang may lalaki sa kwarto ko!!!
Argh! Mapapatay ko ang lalaking ito.
"W-what... what are you doing here?!" Gusto kong isigaw sa kanya iyon pero di ko magawa. Kaya pabulong sigaw ang ginawa ko.
Ngumuso sya at hindi ako pinansin. Nanlakbay ang tingin niya sa buong kwarto ko na kinapula ng mukha ko. Nahiya ako sa paraan ng pagkakatingin niya. Sinusuri niya ang bawat kanto at sulok nito. Simple lang ang kwarto ko. Walang espesyal.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
Aktuelle LiteraturWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...