Chapter 64 - The Old Queen

203 8 0
                                    

Cassandra's POV

Alam kong seryoso si Mama doon. Kaya bago ako pumasok kanina. Nagbilin sya sakin na mag iingat ako. I know her point. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang buong detalye.

Hindi ako nakatanggap ng kahit na anong tawag o text kay toff. Pangalawang araw na ito. Mas namimiss ko sya kapag ganito.

Pagpasok ko palang may nakabantay na agad sa akin na mga Black Venom. Sila ang grupo kahapon.

"Kahit hindi ninyo na ito gawin. May klase din kayo hindi ba. Ayos lang ako."

"Ihahatid ka namin sa iyong classroom." Masungit niyang sambit. Ang alam ko wala din sina maxwell ngayon. Busy silang lahat.

Sa hallway napapatingin sila samin. Dahil may anim na babae ang nakasubaybay sa akin. Siguro hindi masyadong kalat ang nangyari kahapon. Kaya nakakapagtaka para sa kanila na may ganito akong bantay.

Pagpasok ko ng classroom. Sinalubong agad ako ni hannah nilingon niya ang mga nasa likod ko. Kaya lumingon din ako.

"Cassandra, alis na kami." Paalam niya.

Tumango ako. "Oh sige, salamat."

"Para saan iyon?"

"Mamaya ikw-kwento ko."

Habang nagkaklase kami nakakarinig ako ng bulong bulungan. Pinag uusapan nila ang naging meeting ng mga leader.

"Tatlong araw din sila mawawala."

"Oo nga, hay.. Namimiss ko na si lee."

"Ako din no! Ang saya saya kapag andito sya sa klase kahit halos di niya tayo nakikita."

"Basta sakin lang si kyle."

"Mr. Crocker is mine."

"Si lucian kasi taken na e. Ang swerte talaga ng bruhang iyon."

Naningkit ang mata ko doon. Tama ba ang narinig ko na pinagsabihan nila ng bruha si hannah.

"Kasi yun rumor about kay Ice Prince.. Hindi naman totoo. Imposibleng magkagusto sya sa katulad ni cassandra.. Tsaka narinig niyo ba ang balita kahapon. Dumating daw yun Queen."

Napayuko ako. Ganon ba ka imposibleng magkagusto sakin si toff.. At ang hirap para sa kanila na paniwalaan iyon.

"Yun mean the old Queen?"

"Oo! Sobrang sexy daw at ang puti. Mas lalong gumanda ngayon."

The Old Queen? Sino ang tinutukoy nila. Bigla akong kinabahan sa bagay na iyon. Hanggang sa natapos ang buong klase.

Lunchbreak na. Habang papunta kami ng canteen nakasalubong ko ang grupo nila violet. Nakatanggap ako ng nakakalokong ngiti mula sa kanya.

"Bitch." Bulong nito.

Napanganga si hannah sa narinig mukang hindi niya inaasahan iyon.

"Teka, ako ba ang pinagsabihan na bitch ng babaeng iyon!?" Bulong sigaw niya sakin.

I sighed.  "Hannah.. Calmdown."

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon