Cassandra's POV
Mas malinaw na sakin na ayaw nga akong maging kaibigan man lang ni toff.
Hindi ko rin makuha kung bakit ako nasasaktan. Diba nga dapat maging masaya ako kasi iyon naman talaga ang gusto ko simula nung una?
Ayoko mapalapit sa kanya dahil pinakukulo lang niya ang dugo ko tuwing nakikita ko sya.
Kaya hindi ko rin alam kung bakit ako nasasaktan sa pinapakita niya sakin. Hindi ko sya magets. Iyon ang totoo.
After that kiss.. mas naging emosyonal ako pagdating sa kanya. Parang big deal sakin iyon. Which is true. NBSB ako proud ako dyan. Kaya ang mahalikan ka ng lalaking di mo naman gaanong kakilala ay nakakawindang. Lalo na kung pinapakita niya sayo na wala syang pakealam na mas nag papainis sakin.
Hindi ko sya makitaan ng pagsisisi. Kahit iyon lang sana dahil ang paghingi ng tawad mula sa kanya ay napakaimposible. Hinding hindi niya magagawa iyon. Sa taas ba naman ng pride non.
Bali-balita papalit palit lang naman ng mga babae ang mga gangs dito. Kaya ba ganon nalang sya makareact dahil marami naman syang natitikman na labi?
Kinurot ang puso ko.
Ang biglaan niyang pag iwas tapos biglang pagsulpot na akala mo ay walang nangyari ay mas nagpapalito sakin. He even say 'i miss you'..
What does it mean?
Walang dahilan para mamiss niya ako.
Tapos after non.. hindi nanaman magpapakita at bigla bigla nalang susulpot sa panahon na di mo inaasahan.
What's that? I dont get it. Never.
I sighed. Pero kanina nilinaw na niya. He never want to be my friend. Ang sakit na sa kanya pa galing iyon. Ang kapal talaga ng mukha.
Ang kapal talaga...
Siguro iyon na lang ang gagawin ko. Iiwasan ko sya kahit lumalapit sya sakin. No matter what happen. Iiwas na ako. Ayoko na ng gulo.. ayoko na syang makausap. Dahil hindi ko na makontrol ang pagtibok ng puso ko kapag nasa harap ko sya.
Kusang tumitibok ito ng malakas. Ewan ko ba!
May sakit na ata ako sa puso.
--------
Ganon nga ang ginawa ko. Iniwasan ko sya sa buong maghapon. Nagkasalubong kami sa hallway pero hindi ko sya sinulyapan kahit ramdam ko ang kanyang tingin.
Sa cafeteria, back to normal lang ako. Hindi naman nahalata nila max at hannah ang pagiging masyadong organisa ko. Lahat kasi ng galaw ko ay maayos. Ayoko ng may napapansin sakin si Toff.
At ayokong may mapansin sila kay toff.
Si maxwell back to normal lang din. Nakalimutan na ang naging alitan nila toff kahapon. Nagkasundo kaming magmiryenda sa mall. Dahil weekend nanaman. Pilit nga nila akonv inaaya na lumabas kami sa sabado pero tumanggi ako. No way...
Mas gugustuhin ko pa sa bahay.
Kaya pumayag ako na sumama sa kanila ngayon.Dala ni Max ang sasakyan niya pero di niya ako napilit na sumakay doon. Asa sya. Baka kung san pa ako dalin non.
Kay hannah ako sumakay. Wala mayayaman e.
Nang dumating kami sa mall. Magkatext na si hannah at max.
"Tara mauna na daw tayo sa restaurant." Untag ni hannah habang nasa cellphone parin ang tingin.
"Huh? Diba miryenda lang ang usapan.." nagtataka kong tanong.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
General FictionWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...