Chapter 67 - Own

309 13 0
                                    

Cassandra's POV

Kinakabahan pa ako ng papasok na kami sa loob ng auditorium. Ramdam ko kasing maraming tao. At hindi ko rin alam kung paano nangyari maging ang ibang year ay andito. Hindi ba may klase sila? Malaking abala ito para sa kanila.

Ang alam ko si lee ang nag utos sa mga teacher na ipacancel muna ang atleast mga dalawang subject namaaapektuhan sa gagawin na ito.

Lalong umugong ang bulungan ng pumasok na kami ng tuluyan. Nauna na sina Hannah. At nakikita kong inaalalayan sya ni lucian bumaba. Si toff ay nasa kaliwa ko at diretso lang ang tingin. Parang lawin kung tumingin ito, nanlilisik.

Kung hindi ko lang katabi si toff baka laman nanaman ako ng usapan ngayon. Hindi nila mapigilan ang hindi titigan ang suot kong damit. Nakablack longsleeve si toff at black jeans and black leather shoes. Mas mataas ang pagkakapony ng kanyang buhok ngayon. Napansin ko din na bagong shave pala sya.. Hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin kanina dahil may iba akong iniisip.

Para syang model kung maglakad. Napapaisip nga ako baka naman nagpa-part time job sya as a model. Pero sa suplado niyang iyan. Malamang hindi.

Teka! Bakit ba iyon ang naiisip ko!?

Nasa gitna kami ng maraming tao. Dapat lang na magseryoso ako.

Ihagod ko ng tingin ang buong auditorium, halos lahat naka baling ang ulo kung saan kami naglalakad.

Halos dumoble ang kaba non ng muntik na akong matalisod dahil naging abala ako sa pagtingin sa mga kapwa studyante ko.

Medyo bago pa man ako mahulog ng tuluyan ay mabilis akong nahawakan sa baywang at likod ni toff.

Napakapit ako sa kanya. "Careful.." Untag niya.

Marami ang nabigla sa naging aksyon sakin ni toff. Umayos ako ng tayo. "Salamat.." Nahihiya kong sambit.

He sighed. "Dont be nervous, i am here."

I bit my lower lip. Tsaka dahan dahan na tumango. Naglakad na kami muli pero napapikit ako ng matindi ng hinawakan ni toff ang aking kamay. Mas tumaas ang aking kaba. He is insane! Ang daming tao dito malalaman nilang----

Oo nga pala, i think alam na nila.

"Omg! Did you see that!"

"Ice prince holding her hand!"

"What a bitch."

"Pinaiyak niya si Queen!"

"Gold digger."

Hindi ko pinansin ang sinasabi nila. Toff squeeze my hand.
"They're all dead." Biglang sambit ni toff. Hindi ko alam kung ako nga ba ang kausap niya. He gives deadly glare to those girls keep whispering. Bigla silang tumahimik.

Nang malapit na kami sa stage nakita ko na nasa front row sina Alex kasama ang mga taga suporta niya. She even give me deadly glare too.

Mas umingay ang buong auditorium ng umakyat na kami sa itaas. May mahabang lamesa sa itaas nito. Naka upo doon si Lucian, hannah, lee at ilang nakaitim na hindi ko kilala. Hinahanap ng mata ko si Kyle.

Natigil lang ako sa paghahanap ng hinila ako ni toff papunta sa pinakaharap niyong stage. Doon mismo kung saan may microphone. Mas kinabahan ako kasi mula dito kitang kita ko silang lahat. Maingay at tila hindi nila maintindihan ang nangyayari. May lumapit samin na nakaitim na lalaki at pinaupo ako sa tabi ni toff. Kitang kita ko din dito kung paano ako bigyan ni alex at ng mga babae ng matatalim na tingin. Nag iwas ako ng tingin sa kanila.

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon