Cassandra's POV
Hindi nagtanong si Mama about kay toff. Tahimik lang sya. Kinamusta lang ako ni Papa about sa school. Kaya naguilty ako kasi di ko sinabi sa kanila.
Ayoko lang talaga sila mag alala.
Sa buong hapunan ganon lang ang nangyari. Kinatulugan ko nanaman ang pag iisip sa kanya.
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Dahil maaga akong nagising. May P.E subject kami ngayon.
Last P.E na ata namin ito for this semester. Kaya nagdesisyon akong mag p.e nalang for the whole day. Pwede naman iyon e.
Ngayon ko lang din naalala na kinuha nga pala sakin ang Cap ko. Kaya wala na akong susuotin. Mag-pony nalang kaya ako?
Hindi ko pa naman natr-try na pumasok ng nakalugay lang ang buhok. Hanggang bewang ang buhok ko.. kaya medyo nakakaagaw pansin ito.
Mas pinili ko yun huli. Maglulugay nalang ako ngayon.
Maglalakad nalang din ako katulad ng ginagawa ko.
Mas maayos talaga kapag nakarubber shoes. Mas komportable. Hmm.. naalala ko nanaman ang kahapon. Usap usapan na nanaman ako panigurado nito.
Ngayon lang ako nakakaranas ng mga ganito. Buhat ng napunta ako sa school na ito. Dahil sa Eastwood maayos at normal na studyante ako doon. Medyo bossy nga lang.
Hay.. kung lilipat ba ulit ako magiging maayos kaya ulit?
Pero sa Greyson University din ako magco-college.
Bahala na..
Sa gate palang kita ko na ang mga mapanghusgang tingin nila. Yun iba mula ulo hanggang paa pa kung makatingin. Pero di ako magpapaapekto doon. Pero may mga ilan na di ako nakikilala. Para kasing bagong mukha ako sa kanila. Maybe.. sa buhok.
Hinahangin pa ang mahaba kong buhok.
Hanggang sa nakita ko sya sa hallway. At doon ko naconfirm na laman nga ako ng usapan. Dahil kanina ko pa naririnig ang pangalan, cr at wild ruler.
Sinalubong ako ni hannah na may pag aalala sa mukha. Niyakap niya agad ako.
"Dapat talaga sinamahan kita kahapon sa Cr e. Im sorry Cass." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
I tap her back. "Hannah, ano ka ba. Ayos lang ako." Sabay ngiti ng malaki sa kanya. Sumimangot sya. On my peripheral view alam kong may mga matang nakamasid sakin. Hay...
"Hindi ka okay Cass." Malungkot niyang sabi.
I take a deep breathe. "Okay na ako."
"Ang kakapal kasi ng mukha ng mga iyon! Sinugod ka pa at pinagtulungan." Bakas sa boses niya ang galit.
Lumingon ulit ako, naririnig kami dito. Kaya hinila ko sya sa isang bakanteng kwarto.
"Baka marinig ka nila. Ikaw naman ang pag initan." Sabi ko sa kanya habang nilo-lock ang AVR. So.. sounds proof ang kwartong ito.
"I dont care! Hindi tama ang ginawa nila sayo.. cass." Naiiyak niyang sabi.
I frowned. "Okay na ako. Tsaka ikaw ang nagsasabi sakin na wag banggain ang mga gangs na yan. Oh bakit ang tapang mo ata ngayon."
"Yun din ang akala ko. Pero.. nung nakita kita kahapon. Gusto ko na rin silang bugbugin." Diin niya.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
General FictionWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...