Chapter 25 - Date Me

392 13 0
                                    

Cassandra's POV

Nakauniform na ulit ako ng ako'y umabas sa kwarto nakinaroroonan ko. Ineexpect ko na ang mga titig nila o kaya haharutin ako o aasarin. Pero hindi iyon ang naabutan ko.

Tahimik, at tila walang nangyari. Ganon ang reaksyon nila. Lalong lalo na si toff na nakaupo sa sofa at nakatitig lang sakin.

Nag aantay ako na may mangyari pero wala. Tumayo si Toff tsaka ako nilapitan.

"Let's go now." Untag niya.

He guide me hanggang sa makalabas na kami ng penthouse nila. Nauna akong lumabas. Naramdaman ko su toff sa likod bago pa man niya maisara. Nakarinig ako ng paswit na agad minura ni toff kung sino man iyon.

Namula ako doon. Tiningnan ko sya na seryoso ang tingin nilingon niya din ako. Nag iwas ako ng tingin at pagtingin ko ulit sa kanya. He's smirking. Argh.

Habang si toff naman ay nasa gilid ko lang at malalaki ang hakbang kaya ganon din ako sa kanya.

Walang nagsalita samin dalawa. Hanggang sa nakita ko na ang Ford niya na nakapark doon.

Diretso sya sa front seat at binuksan iyon. He motion me to go inside. Ang weird talaga di sya nagsasalita. Pumasok naman ako tsaka nagseatbelt na. Umikot sya sa harap at sumakay nadin.

Narinig ko na nagbuntong hininga sya. Bago pinatunog ang sasakyan. It's 6:05 na. Yari na ako nito kay Mama.

I bit my lower lip. Nagsimula ng umandar ang sasakyan niya.

"You okay?" Basag niya sa katahimikan.

Tumango ako. "Yeah.. " natatakot ako na pagalitan ni mama. Late na ako.

Tiningnan ko sya. Ang unfair kung hindi ko sya tatanungin. After what he did.

"Ikaw okay ka lang ba?" Tanong ko pabalik.

"Not really.." sagot niya na medyo nagulat ako. Nasa daan ang mga mata niya at seryoso ang mukha.

Hindi pala sya okay.. pero bakit?

"Hmm.. bakit?" Tanong ko pa.

"I just thinking about you.. baby and im not sure if you really okay." Sagot sya sabay sulyap sakin.

Shit!

Shit!

Shit!

Sorry about the curses! I can't help it! My heart racing again!

The way he say 'baby' argh. Bakit...

Kalma cassandra. Kumalma ka!
Yeah right. Dapat di nalang ako nagtanong.

"Ahmm..." wala akong masabi.

Wala! He make me speechless again. Kanina pa sya ah! Quotang quota na to sakin!

"To-toff.. okay lang ako."

"I hope so."

"Wag mo nalang kasi akong intindihin."

"I can't do that. So deal with it."

"Bahala ka nga."

Gusto kong itanong kung paano niya ako niligtas pero.. ewan ko kung paano ko ba tatanungin iyon.

Paniguradong balita na ito sa buong highschool depart o maging sa college department. Ako nanaman ang laman ng balita bukas..
Hell week nanaman ito.

"Stop worrying too much. I handle this." Tila para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

Nilingon ko sya. At nakatingin na din sya sa akin.

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon