Chapter 63 - Missed

266 7 3
                                    

Cassandra's POV

"Oh Kristoff, Cassandra. Andito na pala kayo." Bungad samin ni Mama. Pasado alas siete na ngayon. Tulad nga ng napag usapan. Alas singko kami umalis kila lola. Nakapagpaalam naman kami. Medyo puyat pa nga ako.. Alam niyo na.

"Tita." Bati ni Toff tsaka nagmano sya kay mama. Ganon din naman ang ginawa ko.

"Papa po umalis na?" Tanong ko kay Mama.

Umiling si Mama. "Andyan sa Loob. Hindi sya papasok dahil inaasikaso niya yun bakasyon na binibigay sa kanya."

Oh ngayon naalala ko na. May 2 weeks vacation nga pala sila ni Mama.

"Tara sa loob nanatin pag usapan. Nga pala kamusta ang Lola at lolo mo?"

"Maayos naman po sila. Ay may pinadala samin." Pagsabi ko noon ay nagets na ni toff kaya bumalik sya sa sasakyan niya.

Nakasunod ang mata ko sa papalabas na pigura ni toff. Pagbalik ko ng tingin kay Mama ay makahulugan na ito.

Oo nga pala ipapakilala ko si toff ng opisyal sa kanila ngayon.

"Ma.." Binigyan ko sya ng mapagtanong na tingin.

"Antayin mo muna ang papa mo bago mo ipakilala."

"Ma! Naman lalo tuloy awkward." Sabay nguso ko.

Tumawa sya. "Nako.. Dalaga na talaga. Maruno ng ng mahiya."

"Mama naman e." Sabay simangot ko. Umupo ako sa sofa namin.

"Tita here." Sabay kaming lumingon ni mama kay toff na may dalang supot.

Inabot ni Mama ang supot tsaka nilagay sa gilid niya. Sakto naman na lumabas na si Papa.

"Oh andito na pala ang prinsesa ko."

Napanguso naman ako sa tinawag ni Papa sakin. "Papa.."

Nagmano kami pareho ni toff kay Papa. Kahit alam na nila na boyfriend ko si toff mula noong unang araw namin. Kailangan ko parin na ipakilala ng pormal. At nakaramdam ako ng kaba.

"May sasabihin ka daw samin Cassandra."

Mas kinabahan ako sa tono ng pananalita ni Papa.

Tiningnan ko si toff na clueless lang sa nangyayari.

Huminga ako ng malalim tsaka tiningnan sina papa at mama. "Ma, Pa.. Si Kristoff po Boyfriend ko." Nakita ko ang pagngiti nila papa at mama. Nilingon si toff na gulat sa sinabi ko. Hindi siguro niya inaasahan na ipapakilala ko pa sya. "Kristoff mga magulang ko."

Gulat parin sya kaya medyo nakaawang ang kanyang bibig. Pero agad din nyang sinara. His jaw clenched then he composed himself. Nagulat ako sa biglaang pagtayo niya tsaka umupo malapit sa upuan kung nasan sina Mama at Papa.

"I will make your daughter the happiest Girl in the world and I will love her unconditionally."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Toff. Grabe ang kabog ng puso ko ngayon. Bakit.. Ang saya ng puso ko sa sinabi niya. Tsaka bakit tunog.. Mag aasawa na kami?

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon