Cassandra's POV
Kabado ako ng pumasok sa aming bahay. Narinig ko ng umandar ang kanyang Ford. Naabutan ko si Mama sa kusina. Hinalikan ko sya tsaka aakyat na sana.
"Sino ang naghatid sayo?" Seryosong sambit ni Mama. Oh no..
Nilingon ko ulit sya at nakangiti ng malaki. "Si Papa po pala?" Trying to change the topic.
Kumunot ang noo niya. "Nasa trabaho pa. Matatagalan daw sya ngayon. Sino naghatid sayo?"
Nawala yun ngiti ko. Hindi ako lulubayan ni Mama. I sighed.
"Si Toff po."
Yun seryoso niyang mukha napalitan agad ng excitement. "Oh asan sya? Bakit di mo pinapasok?"
"Ma, busy po kasi iyon. Akyat na po ako."
"Cassandra, halika nga dito. Mag usap tayo hanggat wala ang papa mo."
Oh no.. she sounds serious.
Umupo ako sa lamesa at ganon din ang ginawa niya. Seryoso na ulit sya ngayon.
"Boyfriend mo na ba si Kristoff?" Diretsong tanong ni Mama na nagpagulantang sakin.
What?!
Nasamid ako sa sariling laway.
"Ma! Hindi po." Sagot ko.
"Tinatanong lang kita. Tunog defensive ka." Sagot naman ni Mama na nagsususpetsya.
"Mama naman kasi e. Ang dami pwedeng itanong bakit iyon pa."
"Oh sige. Gusto mo ba sya?"
This time nanlaki na ang mga mata ko.
"Mama!"
"Oh bakit namumula ka? Anak, tinatanong lang talaga kita." Natatawang sambit ni Mama. Kaya napahawak ako sa aking pisngi.
"Wa-wala po akong gu-gusto sa kanya." Nakakunot kong sambit.
"Hmm... Sige sabi mo yan ah." Nakataas ang kilay niya.
I can't believe her! Nanay ko ba talaga sya? Bakit ganyan sya makatingin sakin. Tumayo na ako.
"Magbibihis na po ako." Paalam ko sa kanya. Nakangiti lamang si Mama. Parang di sya naniniwala sa sagot ko.
Pagkabihis ko. Naabutan ko na si Papa sa baba. May mga dala syang maraming papel. Mukang busy si Papa sa trabaho ah. Normal na office Employee lang si Papa.
"Pa." Sabay mano sa kanya.
Ngumiti sya sakin. Tsaka hinarap si Mama.
"Sa susunod na linggo. Mukang bibisita ang boss ko dito. Nabanggit ko kasi na masarap kang magluto. Nacurious kaya ayon." Paliwanag ni Papa.
Nakita kong namula si Mama doon. Pero mukha syang masaya.
"Kailan iyon Papa?" Tanong ni Mama kay papa.
"Hindi pa sigurado. Pero gusto niya sa susunod na linggo na." Sagot ni papa tsaka umupo sa sofa namin.
Tumango lamang ako sa usapin nila. Ang alam ko maraming boss si Papa. Ah.. baka yun manager nila iyon.
Ako na ang naghugas ng aming pinagkainan. Umakyat agad ako sa kwarto dahil gagawa pa ako ng assignments. Ay kailangan ko din pala mag search. Kaya hiniram ko ang cellphone ni Papa.
Doon ako ng search.
Kulang 2 oras ako gumawa ng assignments. Hala next week examination week na pala namin. Magiging busy nanaman pala kami. Tapos sa susunod na linggo busy na para sa preparation ng Party para sa nalalapit na sem-break. Ang weird nga e. May party para sa bakasyon. Haha pinaka reward na daw iyon dahil natapos namin ang isang Sem.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
General FictionWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...