Cassandra's POV
Anong ginagawa ni kuya Can dito!? Bakit sya nasa bahay nila toff. Magkaibigan ba sila!?
Nag iinit ang pisngi ko sa mga nangyayari.
Pero nang sabihin ni toff ang Relasyon nila.
Nagulantang ako sa aking nalaman. I didn't know....
"He's my older brother." Tsaka sya nagmura.
Magkapatid sila!?
Papaano...
Gusto kong sumaya dahil may nalaman nanaman ako tungkol sa kanya pero lungkot ang nararamdaman ko dahil hindi ko alam ang bagay na iyon patungkol sa kanya.
At alam kong marami pang bagay ang hindi ko alam sa kanya.
He always show his bright side. Yun side na malakas sya. I never seem him as a weak.
Nasa sala na kami sa mga oras na ito. Halos di ako kumikibo dahil hindi ko naman alam ang aking sasabihin. Nasa harapan ko si Kuya Can. Nag uusap sila ni Toff at batid ko ang pagkairita ni toff sa kanya.
"How's did you know her?" Naiiritang sambit ni toff kay kuya Can.
Napalingon ako dahil mukang ako ang pinag uusapan nila. Nilingon ako ni Kuya Can. Hindi parin nag babago. Gwapo talaga si kuya Engineer slash si crush. Ngitian niya ako.
Nabanggit niya ang tungkol sa pagpunta ko sa classroom nila noon at ang paghatid niya sakin sa building.
Kuya Can look amusing about the fact na May relasyon kami ni toff.
Panay ang mura ni toff dahil naiinis sya na magkakilala kami. Mukang cool lang si kuya Can kahit cold and rude treatment ang nakukuha niya kay toff.
Palagay ko sanay na sya sa ugali ni toff.
"Cassandra.."
Masyadong pagkabog ng puso ko ng banggitin niya muli ang pangalan ko. Ramdam ko din na pumula ang pisngi ko.
Nagmura si toff sa naging reaksyon ko.
"Dont talk to her." Naiinis na sambit ni toff kay Kuya Can.
"Chill lang." Natatawang sabi ni kuya Can.
"So kelan pa naging kayo?" Kuya Can Asking me.
Natulala pa ako sa kanya. Nagkakasala ako.. Ngayon ko nalang kasi talaga sya nakita. At ang gwapo niya talaga at ang bait. Sya palang talaga ang nag iisa kong crush..
Nagmura muli si toff. Tila hindi nagugustuhan ang mga pinapakita kong reaksyon. Lumapit na sya sakin tsaka ako hinawakan sa baywang.
Tumawa si kuya Can doon.
Kaya nag init muli ang pisngi ko.
"Ahmm.. Nung Sem break party, Kuya.." Sagot ko. Humigpit lalo ang hawak ni toff tsaka bumulong ng mura sa tenga ko. He's not please about it.
Hindi rin naman nagtagal si Kuya Can, may Condo pala sya kaya bihira sya kung umuwe dito sa bahay nila. Kaya lang sya umuwi dahil nakalimutan niya ang ibang gamit para sa pagrereview niya.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
General FictionWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...