Cassandra's POV
Nag iinit talaga ang ulo ko. Kainis!!!
Feeling Gwapo. Panget niya!
Tama nga si Hannah dahil wala nga kaming klase sa hapon. Kaya uuwe nalang ako. Gumagayak na ako at nakasabit na ang aking bag sa balikat ng tawagin ako ni hannah.
"Tara Mall tayo!" Sigaw niya.
"Ayoko."
"Kj." Bulong niya.
Sasagot sana ako pero nakarinig kami ng sigawan.
"May away doon!" Sigaw mula sa labas.
Napakunot ang noo ko. Nanaman?
"Anong nangyayari!" Tanong ni hannah sa mga tumatakbo mula sa coridor.
"Yun Wild Ruler sinugod ang Hide outs nila sa 3rd gate may 2 grupo mula sa labas ang sumugod doon."
Wild Ruler..
Nakaramdam ako ng pag aalala kay Maxwell kahit galit ako doon. Kaibigan ko parin sya.
"Tara puntahan natin si Darker." Natawa sya pero agad din nagseryoso.
"Hindi ba ayaw mong pumupunta sa ganoon"Nagtataka lang ako kasi gusto niyang manuod pero alam ko naman na nag aalala din sya.
"Kailangan tayo ni Maxwell. Kahit papaano e mahal naman natin iyon."
"Anong magagawa natin doon? Wala tayong laban doon."
"Kahit na. Suportahan natin. Bakit di ka ba nag aalala sa kanya? Malay mo sugatan na sya."
"Kaya na niya ang sarili niya."
"Ahay. Sige na. Kailangan niya tayo. Malay mo may sugat na sya.." nag aalala niyang sabi.
"Fine."
Kaya mabilis kaming tumakbo papuntang 3rd gate.
Madami din ang tumatakbo sa gawi na iyon. Malayo palang kami naririnig mo na ang kung ano anong ingay.
"Cass dalian mo. Im worried about Max." Tumakbo na ng tuluyan.
Kaya mabilis lang syang nawala mula sa paningin ko. Yari ako.
Imbis na maging concern ako kay Maxwell ay si hannah pa ang iisipin ko.
Nakipag siksikan sya doon. Paano nalang kapag nasali sya sa gulo. Hindi pwede iyon.
May mga tumatakbo at huminto sa tapat ko.
"Out numbered ang Wild ruler. Wala ang ibang member nila. Kailangan ng tulong mula sa ibang Grupo. Tawagin kaya natin ang Black venom." Hinihingal pa niyang sinasabi iyon.
Out numbered sila? So kulang sila para sa laban na ito. Nakipagsiksikan ako para mas makita ko ang nangyayari. My jaw drop ng nakitang kulang na kulang nga sila.
May mga sumisigaw na lumayo sa away dahil baka madamay.
Hinanap ng mata ko si Max. Mabilis ko lang syang nakita. 3 ang kalaban niya na madali lang niyang napatumba. Pero hirap na syang lumaban.
Kita na iyon sa kanyang mga kilos na nahihirapan na sya. Napakagat ako sa labi.
Kahit may atraso sakin ang lalaking ito. I considered him as my friend.
2 grupo ang sumugod kila Maxwell. Kaya wala talaga silang laban pero nakikita ko ang pagsusumikap ni Maxwell na maitaguyod ang kanyang grupo.
Nag sigawan ang mga tao sa gawi namin dahil may papalapit na lalaking mukang napuruhan kaya napunta sa gawi namin.
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)
General FictionWhat will you going to do if the notorious Gang leader steal your first kiss. And the worst part he acting like nothing to you. Revenge? What if bigyan ko kaya ng 1 upper cut 2 side kick at 3 upper kick l. She smirk, Yeah that's the thing running to...