Chapter 69

272 9 0
                                    

Cassandra's POV

"What sa finland kayo pupunta this holidays!?" Pasigaw na sambit ni hannah. Mabilis naman akong sumenyas na huwag syang maingay. Nasa baba lang kasi si Mama.

Nasa kwarto kami ni hannah, i mean kwarto ko. Binisita niya ako this saturday morning, dahil grounded nga ako kaya di ako makakalabas this whole weekend.

"Hindi pa naman sure iyon.. Tsaka hindi naman ako umoo. Baka hindi kasi ako payagan, ang layo non. Wala din akong passport."

Umirap si hannah. "Alam mo bago pa man niya sinabi saiyo yon pinag isipan na niyang mabuti iyon. Tsaka about sa passport? Madali nalang kumuha non.. Lalo na ang daming connection ng boyfriend mo." Tinapos niya iyon sa isang irap uli.

Umayos ako ng upo sa aking kama. "Malamig doon.. Baka di ako tumagal."

Humalakhak si hannah. "Body heat will be do."

Uminit ang pisngi ko. "Hah!? Ano ba yan naiisip mo.."

"Sus.. Parang noong sa cafeteria hindi kayo naglilingkisan. E halos yumakap na sayo si Ice--- si Kristoff."

Nag iwas ako ng tingin. Nag init ang pisngi ko. "Oy grabe hindi naman kami ganon.."

"Whatever you say." Tsaka humalakhak ulit sya.

Kaya lalong nag init ang pisngi ko. "Hannah naman! E kayo saan kayo ni lucian?"

Ngumisi sya. "Sa kanila ako ng Christmas tapos samin naman sya ng New Year. But the rest of the days.. Mas gusto ko dito lang kami sa Pinas. Siguro tagaytay.." Tsaka humilig da dashboard nitong kama ko. Tila may naiimagine na.

Naalala ko tuloy noong nagtagaytay kami.

"Kung natutuloy kayo sa finland ilang araw kayo?" Tanong niya.

"Hindi pa naman sure iyon. Ewan ko kay toff. Kapag sobrang lamig baka mag 3 days lang kami. Di siguro ako tatagal."

Lalong humalakhak si hannah. "Cmon.. Kaya nga diba sabi ko saiyo pinag isipan na ng masyado ng boyfriend mo iyan. He expecting that too."

Kumunot ang noo ko at hindi ko nagets kung bakit ang saya niya sa bagay na iyon.

"Nang makascore sya sayo." Dagdag pa niya.

Baliw na ata ang bestfriend ko na ito. Hindi ko parin nagets iyon.

Hindi naman ako sigurado kung papayagan kami ni Mama at papa. Ang layo kasi non.

Pero i admit nakakaexcite parin. Iyon ang unang beses na lalabas ako ng bansa. At unang beses na makakaranas ng snow.

"Oh wait! Hindi ko ito napansin." May nilapitan si hannah sa aking mini table. "Si Kristoff ito ah?" Hawak na niya ngayon ang portrait picture ni toff.

"Mahal na mahal mo talaga sya ah." Tsaka humalakhak.

Pinag initan ako ng mukha sa tukso niya.

Hindi ko sasabihin na si toff mismo ang nagbigay non sakin. Mas tatawa sya ng husto kapag nalaman niya.

Samin na rin kumain si hannah ng tanghalian. Nagstay pa sya ng konti at maya maya may kinuha sa kanyang sasakyan. Anim na malalaking paper bag. Damit, sapatos at bag ang laman noon. Ayoko ngang tanggapin pero ang sabi niya si tita daw ang nagpapagbigay non.

The Gangster Who Stole My First Kiss (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon