Hindi ko maialis ang paningin ko sa lalaking katapat ko ngayun, kita ko rin ang gulat na rumehistro sa mukha nito pero parang ako, hindi rin siya gumalaw.
Wala akong ibang naririnig kung hindi ang tanging lakas ng tibok ng puso ko.
Ganoon rin ba siya? Nararamdaman niya rin ba ang nararamdaman ko?
Magsasalita na sana ako ng biglang napalitan ang gulat nito ng galit... ng galit. Ipinikit ko sandali ang mata ko dahil hindi ko kaya, hindi ko kayang salubungin ang mga mata nito.
I just can't look at him without remembering that day, the day that broke our hearts.
Ako ang unang umiwas ng tingin, hindi ko kaya... hindi ko kaya na makita ang dalawa niyang mata na galit na galit sa akin.
Habang nakatingin ako sa dalawa nitong paa ay hindi ko maiwasang maalala iyong lahat ng alaala naming dalawa... the happy and even the tragic one's...'
Who could have thought?
How did we turn out like this?
We were happy but I had to ruin it, I had to ruin it because I'm a coward.
Ipinikit ko ang mga mata ko ng madiin. Hindi ba talaga maaaring maisip ang mga iyon ng walang halo ng sakit?
It's been almost 6 years, kailan ba ito mawawala?
Naalala ko na lang na na'sa harap ko pa pala 'yung lalaking iniisip ko ng marinig ko ang hindi pamilyar nitong boses. "What are you doing here?" Malamig... masyadong malamig na tumaas ang buong balahibo sa katawan ko.
"Megane, I'm asking you." Iritado niyang wika kaya tinignan ko na ang mga mata niya upang sumagot dahil baka mas lalo pa itong mairita.
Bakit hindi ko magawa?
Bakit hindi ko maibukas ang bibig ko?
Sinubukan kong ibukas ang bibig ko pero sandali lang 'yun ng muli ko itong isarado. Tingin ko ay hindi ko kayang makasalita ng hindi bumibigay, ng hindi umiiyak at ayun ang ayaw kong ipakita sa kanya.
I need to stay away from him, mawawala ang ilang taon kong hindi pagalala at paglimot sa naging relasyon namin kung malapit siya.
He's your past Megane, your past.
He will just bring disaster... lalo na... lalo na kapag nalaman niya ang tungkol sa tinatago mo, ang isang batang hindi man lang niya alam na nabubuhay.
Magsisimula na sana ako maglakad palayo nang makita ko ang isang babae na biglang sumulpot sa tabi niya.
Fuck, bakit ang sakit?
Nakatulalang tinignan ko siya at ang pamilyar na babae na yumayakap ngayun sa kanya.
Anong ginagawa niya dito?
Anong ginagawa nila dito?
"M-megane?" Gulat na tanong ng babae pero mabilis rin siyang ngumiti na hindi ko maibalik.
Para akong estatwa na hindi makasalita at kahit na gustong-gusto ko ng lumayo sa kanila ay hindi ko magawa lalo na ng.... nang maghalikan silang dalawa sa harap ko. Sandali lang 'yun pero hindi ko mailarawan ang nararamdaman ko. Never pa akong nagselos--- eto ba ang pakiramdam no'n?
Tumingin na lang ako sa gilid "Eye sore." Mahinang bulong ko pero sapat na iyon para marinig nilang dalawa.
"Megane!" Banta niya.
Patago kong kinagat ang ibabang labi ko dahil kung hindi ko 'yon gagawin? Hindi ko na alam ang magagawa ko, mapapahiya lang ako. I want to cry I want to shout at both of them pero bakit? Para saan pa?
It's all in the past kaya bago pa ako nila mapigilan ay mabilis na akong tumakbo.... palayo sa lalaking mahal ko
Sa bawat hakbang ay parang tinutusok ang puso ko, ang bawat hakbang na mabibigat na sinabayan pa ng paglabas ng likido sa dalawa kong mata... palayo na naman... palayo na naman sa'king mahal.
New Prologue! As of 8/2/17 (6:10 PM) and with 305k reads!
Date finished editing: May 7, 2016
Posted: May 10, 2016
Follow me on Twitter @Mxrxell let's be friends hehehe ♥
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomantizmOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016