Chapter 37 - Truth Hurts

56.7K 650 81
                                    

Inilagay ni Jax ang isa niyang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib niya at huminga ng malalim. "Are you a ghost or something? Why are you hiding in the dark?" Pailing-iling pa ito habang lumalapit papunta sa may switch upang buksan ang ilaw.

'Di ako nakasagot sa tanong nito dahil  okupado iyong dalawang kong mata sa pagsuri sa hubad niyang katawan, well, hindi naman hubad talaga dahil may saplot naman siya sa ibaba, fit na fit na boxer nga lang, na hindi naman nakakatulong takpan 'yong dapat itago dahil bakat na bakat. 

Nang mapansin ni Jax ang pananahimik ko ay nakita nito ang tinitignan ko at 'di itinago iyong ngisi na lumabas sa kabilang parte ng labi niya.

Naramdaman ko ang paginit ng dalawa kong pisngi dahil sa hiya na nahuli niya akong nakatingin doon at magsisimula na sana akong maglakad pataas ng bigla niya akong pigilan. "Let's talk?" Kahit ayaw ko sana ay napipilitang bumalik na lang ako sa kinauupuan ko kanina at pinanood siyang kumuha ng baso na sinalinan niya ng malamig na tubig  mulasa pitsel na kinuha niya sa refrigerator. 

Matapos siyang uminom ay dumiretso ito  sa sofa na hindi kalayuan sa'kin.

Nang magkatagpo na ang dalawa naming mata ay 'di ko na napigilan ang bibig ko. "Bakit hindi mo ako tinawagan or text man lang?" Alam kong bitter ang tunog ko sa tanong na iyon pero tinignan ko lang siya ng mainam.

What can I do?

Ilang araw na iyon bumabagabag sa isip ko.

"What for?" Two words pero sobra iyong sakit ng naramdaman ko sa dalawang salitang iyon. What for? Para saan nga naman? We're done. 

Megane naman. You're the stupid one. Kailan mo ba matatanggap?

Pumikit ako sandali. Remember what Chia told you Megane.  "End you toxic relationship with him para maka move-on ka na. Wala kayong proper closure dati, puno ng sakit at galit iyong break-up niyo 'coz that's the only way back then. Told him why'd you have to do that. May chance ka na, end it." Paalala ko sa sarili ko.

Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Jax "I didn't know you're here." Komento niya, ako naman ay napatingin na lang sa lapag dahil parang malulusaw ako sa titig ni Jax. As if, gutom na gutom siya at gusto akong kainin.

Oh god, that's sound so wrong and gross!

"Same with me. Didn't know you're staying here."

Biglang nagulat ang reaksyon nito. "Wait... nagising ba kita? Chloe's really loud every time we made love." Jerk!

Sinubukan kong ibuka iyong bibig ko pero hindi ko na lang iyon tinuloy dahil alam kong pagsisisihan ko rin naman 'yong sasabihin ko.

May kakaibang kirot sa puso akong naramdaman na hindi katulad ng dati. Hindi ko maipaliwanag iyon, ang alam ko lang ay mas masakit iyon kaysa sa mga masasakit na salitang nasabi niya na sa'kin.

I don't want to make it obvious na nasaktan ako sa sinabi niya especially sa term niyang 'made love' kay Chloe at simpleng 'sex' lang pagdating sa akin but what can I do when I can't just hide my feelings? Mabilis akong tumayo at tinignan siya ng masama, no way na iiyak ako sa harap niya. 

You can do it Megane, calm yourself down, he's just saying it to hurt you. Don't give him the pleasure.

But is he really? Sinabi niya lang ba talaga 'yon para saktan ako? O nagbubulag-bulagan na naman ako at ginagawa kong "akin" ang lahat? Maybe, hindi naman niya talagang gstong saktan ako. It's just that truth hurts 'diba?

Gusto ko siyang sipain ng malagpasan ko pero pinigilan ko ang sarili ko at mabilis na nagkulong na lang sa kwarto ko.

I bit my lips to stop myself from crying, pero as usual, kahit anong gawin ko ay hindi naman nangyari ang gusto ko. 

****

"Megane?" Nagising na lang ako dahil sa katok sa pinto at boses ni Aton na tumatawag sa'kin. Tinignan ko ang bintana at nakitang umaga na pala. 

I tap my face before getting up. Sinuklay ko rin gamit ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok at tumayo na para buksan ang pinto. Hindi ko tuluyang binuksan ang pinto, sakto lang upang makita ni Aton ang ulo ko. "Yep?" Medyo inaantok pang tanong ko.

"Sa Hotel tayo sa may bayan mag-aalmusal." Tumango ako at sinara na ang pinto. 

Mabilis akong kumilos, dumiretso ako sa maliit na bathroom at muling nag-shower, habang nagsasabon ay naalala ko iyong pangyayari kagabi. Fuck.

Paano ko siya mahaharap? Sila mahaharap ng fiancee niya?

Hindi na nga makaya no'ng puso ko na nabanggit niya iyong fiancee niya lalo pa kaya na makikita ko silang dalawa?

Pumikit ako dahil sa hiya sa inakto ko kagabi. I should have ended it last night, walang istorbo, kaming dalawa lang. Ngayon ay hindi ko alam kung magkakaroon pang muling pagkakataon na magkausap ulit kaming dalawa lang especially that his parents, Aton and fiancee is here. 

I bit my lips, it really hurts tho.

He's a fucking jerk, what did I do to deserve that treatment? 

Sinugaradong kong maayos ako, physical at emotional na matatag bago lumabas ng kwarto ko. 'Megane, kung makita mo sila, sasakit ulit 'yang puso mo, it will happen kasi nakukulong ka pa rin sa 7 years ago but Jax isn't, you need to accept it and start stop crying everytime you see him or he says something hurtful, malay mo ayun lang ang gusto niya sa'yo, don't give him that' Paalala ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at nag-practice ng pekeng ngiti habang bumababa sa hagdan, mabuti na lang ng tuluyan na akong makababa ay hindi ko nakita ang kahit na anino ni Jax o no'ong sino mang fiancee niya.

God, hindi pa rin ako sanay na may fiancee siya na hindi ako.

Even before, alam ko noong iniwan ko si Jax na malaki ang chance na 'di niya ako mapapatawad at magagalit siya sa akin pero never kong inisip si Jax na magmamahal ng iba.

Kasi ako? I'll never do that. Hinding-hindi ko nakikita ang sarili ko na magmamahal ng iba kasi sa pinaramdam sa'kin ni Jax? Bakit pa? 'E kung alam ko namang walang makakatalo o makakapantay sa kanya. He's the best thing that ever happened to me.

Hindi ko siya masisisi, I am just angry at myself kasi kahit na siya iyong biyaya na dumating sa akin ay ako naman iyong isa sa mga masamang nangyari sa kanya. Para sa kanya I am replaceable pero para sa akin, I'll never replace him.

Ang sakit na isipin iyon, pero ayon ang totoo.

"Halika na Meg, naghihintay na sila kuya Jax sa baba." Napahinto ako sa paglalakad pero noong magtatanong na si Aton kung anong problema ay tinuloy ko na ang lakad ko kaya lumabas na kaming parehas at nakita sa labas ang simple at hindi bagong kotse na naghihintay sa'min.

Oh, simplicity kapag nandito?

Binuksan ni Aton ang passenger seat kaya pumasok na ako at umupo doon, ganon din siya na sinundan ako. Sa driver seat nakaupo si Jax na naka puting tee-shirt lang at itim na short. Sa tabi niya ay malamang iyong fiancee niya, hindi ko siya makita tanging ang buhok lang nito na itim.

I wonder if she's Chinese? As far as I know, gusto ng mga Chinese ay Chinese lang for their partner.

"What took you so long?" Humarap sa'kin sandali iyong babae at sinilip ako kaya pinigilan ko ang sarili kong hindi mapasinghap ng makita ko kung sino iyong babaeng kaya kong ibigay ang lahat maging ako lang siya.





Vote and Comments are appreciated by the author. Also, don't forget to follow me~  

A/N: Hindi naman siya dapat super dramatic kaso nakulangan ako.Ang laki ng in-edit ko dito. Dapat 900 words lang e. 😂 Thank you marcenisthename for always commenting, sa'yo 'to dedicated! =))

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon