"What the fuck are you eating!?" Mom shouted. Tumaray na lang ako sa kawalan at ipinagpatuloy ang pagkain ko ng chocolates habang nanonood. "Megane!" Muling niyang sigaw.
Unti-unting lumapit si mommy sa T.V at pinatay ito, tumayo na lang ako upang ipagpatuloy na lang sana sa kwarto ko ang panonood ng magsalita si mommy.
"What happened to you Megane?" Tanong niya habang papalapit sa'kin. Nang makalapit na siya ay kinuha nito ang box ng chocolate na hawak ko pagkatapos ay ibinalibag ito. Walang emosyong napatingin na lang ako sa mga gumugulong na chocolates.
I looked at her and shrugged.
"What happened to my Megane?" Emosyonal na wika nito pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagakyat ng hagdan ng mapahinto ako ng muli siyang magsalita.
"Hindi ko 'to hahayaan Megane! Makikinig ka sa'kin sa ayaw at gusto mo!" Sigaw niya pero hindi ko na siya sinagot, huminto na lang ako at hinarap siya gamit ang walang emosyong mata ko. "Makinig ka sa'kin Megane!" Muli niyang sigaw.
"Mum let me be myself, at least just this once." Tumalikod na ako ng masabi ko 'yun at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay sinugurado kong sarado ang pinto bago ako umupo sa gilid ng kama ko kung saan tanaw ang bintana.
It's been a month since I left him.
Para bang naubos na ang luha ko at kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman ko ay wala ng mailabas. I love Jax, so damn much but I know I need to move on. I don't want to be that girl, that girl who keeps crying and can't get a grip of herself. I'm better than that.
Noong mga nakaraang araw ay hindi ko na kilala ang sarili ko.
Napangiti ako ng malungkot. Maybe, that girl is the real me but she can't get out because I keep on blocking her, because even tho I love Jax and even tho I hate my mum so much for ruining our relationship I'm still scared... takot pa rin ako na hindi siya sundin.
At para mawala ang takot? Kailangan kong maging manhid and I'll fake it until I make it. It's much better that way. Kunwari hindi ko minahal si Jax, kunwari ako pa rin iyong anak ni mommy na never na sumuway sa kanya.
Pumikit ako ng madiin at kinagat ang ibabang labi ko, hinayaan kong tumulo ang likido sa mata ko, ngayung linggo ay unang beses ko pa lang umiyak at alam kong ito na ang magiging huli.
Sa likod ng isip ko ay napapatanong na lang ako, when will I be myself?
Ngumiti ako ng malungkot sa tanong na matagal ko ng alam ang sagot ......never.
Tumayo ako at lumapit sa malaking salamin. Nakita ko doon ang isang babaeng hindi ko kilala, pinunasan ko ang mga luha ko at unti-unting pinilit na ngumiti.
You're perfect, you're beautiful and most of all..... you're Megane, you need to live with it.
Tumango ako ng makuntento na ako sa pamilyar na babae sa harap ng salamin.
I'm Megane, perfect to the eyes of others but broken inside.
*****
"Megane!" Tawag sa'kin ng isang babae sa school na kumukuha ng litrato ko kaya tumingin ako sa malaking camera niya at ngumiti. "Fighting, Megane!" Pagsuporta niya pa sa'kin.
We're in South Korea, I don't really know where exactly we are basta na'sa isang mini dome kami at na'sa backstage ako ngayun, preparing for my entrance. Ako ang representative ng school sa isang pageant kasama ko si Kiaz bilang partner ko. Since Siens Muse is an all girls school ay nagpa-audition pa ang school para sa lalaking makaka-partner ko. Tatlo ang makakalaban namin galing sa Leysword,Haven Music at Larkspur.
Habang nakaupo ako sa isang tool ay patuloy pa rin sa paglalagay ng makeup sa'kin ang dinala ni Mommy na makeup artist.
Nakakarindi ang boses ni mommy na kontra ng kontra sa ginagawa ng kawawang makeup artist pero hindi na lang ako nagsasalita.
"Megane, this is the gown you'll wear." Rinig kong sabi ng isang babae pero hindi ko siya nilingon dahil inaayusan pa rin ako. Sigurado naman akong si Designer Carney iyon base sa boses. Siya ang gumagawa ng mga susuotin namin na mga estudyante ng Siens Muse. She's also my favorite designer pati si mommy favorite siya, they're close friends. Isa rin si Designer Carney sa shareholder ng Siens Muse School.
"Thank you." Sabi ko at tinignan siya sa malaking salamin na kaharap ko.
"Shut up, Megane! Inaayusan ka, you should shut up!" Asar na saway ni mommy pero nang tignan na niya si Designer Carney ay alam kong malaki na ang ngiti niya.
"Baka naman dinuga mo na 'yan mare, balita ko 'yung anak mong pasaway ang representative ng Leysword School." Sabi ni mommy at nagpatuloy pa ang pag-uusap nila na hindi ko na pinakinggan.
I wonder kung sino ang ibang mga contestants, hindi ko pa kasi sila nakikita. No'ng nag-practice naman kami kanina ni Kiaz ay wala pa sila.
Nang lumipas ang ilang minuto ay pansin ko ang paunti na ng paunti na tao sa loob ng kwarto pero nasagot ang pagtataka ko ng may pumasok na isang staff at sinabing magsisimula na raw in five minutes.
Nang matapos na'ko lagyan ng makeup ay muli kong inalala ang mga sasabihin ko at ang gagawin ko. Naistorbo na lang ako ng malakas na sigaw galing sa labas.
"What's that?" Tanong ko sa iilang kaklase ko na sinamahan ako sa backstage.
"Narinig kong pinapakilala na raw si Ms. at Mr. Leysword. Malapit ka na Megane lumabas ka na kaya?" Saktong pagkasabi ng kaklase ko ay ang pagbukas naman ng pinto at pagtawag sa'kin ng isang staff.
Nang makapunta na ako sa sinabi niya ay nakita ko doon si Kiaz na hinahantay na ako, nandoon rin ang isang babae at lalaki na base sa nakikita ko ay si Ms. and Mr. Larkspur, pero ang ikinagulat ko ay ng mamukhaan ko siya, sa Siens Muse siya nagaaral 'a! How come na siya si Ms. Larkspur?
"Hey." Agaw ko ng pansin niya at hinawakan ko si Kiaz sa balikat ng tuluyan na nga akong makalapit.
Lumaki ang mga mata niya ng tignan niya ako. "Megane!" Napatakip pa siya sa bibig niya pati si Mr. Larkspur ay napatingin na rin sa'kin.
"I know you." Nginitian ko siya. "Sa Siens Muse ka hindi ba? Why are you representing Larkspur High?"
"Don't you know?" Tanong niya na ikinataka ko. Nang siguro mahulaan na niya ang sagot ko ay muli siyang nagsalita. "I think exempted ka sa ginawa ng school, may exchange student program ang apat na school hindi ba? And for 6 months sa Larkspur ako mag-aaral." Tumango ako sa sinabi niya, busy ako sa pagpra-practice kahit hindi pa ina-announce ang contest ay alam ko na dahil pinaghahanda na agad ako ng school. Maybe, that's the reason kaya hindi ko 'yun alam at pansin ko rin ang iilang bagong mukha sa Siens Muse.
"Oh my gosh lang talaga, you're seriously my inspiration!" Ngumiti na lang ako sa kanya, kinalaunan ay tinawag na ang pangalan nila.
Ilang sandali lang ay kami naman na ang tinawag.
This is it.
I practiced for two months and finally,
It's now my turn, it's showtime.
Vote and Comments are appreciated by the author. Also, don't forget to follow me~
A/N: May story ako each school na pinost ko na dati sa watty pero binura ko na. Uunahin ko na lang ang page-edit story ng bida natin sa Siens Muse :) Tho, hindi ko mapapakita 'yung school nila masyado kasi hindi 'yun 'yung point ng story. Sa ibang story siguro, mas malalaman niyo pa ang apat na school.
Chapter Edited: May 12, 2016 11:22 PM
Chapter Posted: May 25, 2015 2:08 PM
Follow me in Twitter guys! Para makapag-usap tayo hehe: @Mxrxell
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016