"Anong itsura 'yan Meg?" Pansin ni Chia pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa event para maghanap ng restaurant na makakainan. "What do you want to eat? Pasta,spaghetti or chicken?" Tanong nito na hindi ko sinagot dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.
"Sleep." Mahinang wika ko.
"What? Anong food?"
"Sleep! I want to sleep!" Hindi ko na maiwasan ang sumigaw dahil hindi ko na talaga kaya 'yong pagkahilo ko, inunahan ko na lang si Chia sa paglalakakad na ngayon ay nagmamadaling lakad-takbo akong hinahabol.
"Sandali!" Dahil mahaba 'yong legs ko ay nagmamadali si Chia ngayon na mahabol ako, nang sa wakas mahawakan niya na ako sa kamay ay muli siyang nagsalita. "Are you sick?"
"I think so."
"May photo-shoot ka pa mamaya, paano 'yon? We need to be in the studio 1 hour from now."
"I can't."
"Yes, you can! It can't be cancelled Megane."
"No, I can't go!" Seryoso ba 'tong babaeng 'to? I feel like mahihimatay na ako any second na kulitin niya pa ako, she's definitely not helping.
"Okay, 'wag kang kumain fine pero bilisan na natin bumalik sa Hotel I'll let you sleep for an hour tapos pupunta na tayo sa studio, okay?" Parang bata ako na tanong nito.
Wala na akong ibang sinabi dahil ayaw ko na talagang magsalita, kahit iyong simpleng buka lang kasi ng bibig ko ay parang nagdadagdag lang ng sakit sa nararamdaman ko. Tumango na lang ako kay Chia, kahit wala naman talaga akong balak gumising kapag ginising niya ako mamaya.
Hindi naman kami nagtagal dahil 'yong event namin kanina ay malapit lang sa Hotel namin. Diretso kami agad ni Chia sa Hotel Room namin at pagkapasok na pagkapasok pa lang ay binagsak ko agad ang sarili ko sa pinakamalapit na sofa.
"Mayroong bed Meg." Hindi ko na lang siya inintindi dahil sa nanghihina na talaga ako at ipinikit ko na lang ang dalawa kong mata.
I need a doctor.
****
Pagdilat na pagkadilat ng mata ko ay wala akong nakita, malamang dahil siguro ay patay ang ilaw kaya kahit medyo nanghihina pa rin ako ay tumayo ako at dahan-dahang pinuntahan 'yong switch ng ilaw para buksan ito.
Nang matapos kong mabuksan ang ilaw ay siyaka ko pa lang napagtanto na hindi ako ginising ni Chia mula sa pagkakatulog ko kanina, ilang oras kaya ako nakatulog?
Pagkaisip ko pa lang noon ay agad-agad kong itinaas ang ulo ko upang makita iyong nagiisang wall clock sa Hotel Room namin.
3:45 AM
I definitely feel better now, pero medyo nanghihina pa rin ako siguro dahil kakagising ko lang at sa tagal kong nakahiga.
Maglalakad pa lang sana ako papunta sa kwarto ni Chia upang silipin siya ng bigla kong marinig ang pagbubukas ng pinto sa entrance door kaya agad-agad akong iniba ang direksyon ng lakad ko, papunta doon sa may pintuan.
Sino kaya 'yon? Si Chia lang naman ang may susi ng kwarto na ito maliban sa akin? Nagtataka pa rin ako ng tuluyan ko ng makita ang pigura ni Chia na sinasara na ngayon ang pinto, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya pero halatang basa ang damit niya?
"Chia?" Nakita ko ang pagkagulat nito dahil sa pagtalon niya at biglang pagharap sa akin ng galit.
"Fuck!" Mura nito.
"Why?"
"Ginulat mo ako!"
Napasimangot ako. "Sorry." Mahinang paghingi ko ng paumanhin, is it really necessary to curse?
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomantikOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016