Chapter 54 - Paano tayo?

61.1K 698 73
                                    

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Tatlong beses kong kinurap ang mga mata ko upang pigilan ang mga luhang gustong-gusto ng kumawala. Sandali ko ring kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang mapahagulgol. Sandali akong pumikit upang kontrolin ang lahat ng emosyon ko, nang maramdaman kong medyo kumalma na ako ay siyaka ko pa lang iyon binukas.

Nandoon pa rin siya.

'Yong dalawa niyang mata na kulay itim, kasing-itim ng kulay ng mata ni Jax ay nakatingin pa rin sa akin.

Nanghuhusga.

Seryoso at hindi kumukurap.

"W-wh---" Hindi natapos na sabi ko dahil sa sobrang panginginig ng mga labi ko. I want to shout, I want to hurt her physically, bakit kailangan niya mangielam? Bakit kailangan niyang manghimasok? 

Ngayon.... ngayon ko iyon sasabihin kay Jax pero sinira niya iyong pagkakataon.

Pagkakataon?

Marami ng pagkakataon ang sinayang ko. Bakit ko nga ba siya sinisisi? Hindi naman niya iyon kasalanan. Ako ang may kasalanan.

Hindi ko na pinigilan ang sarili kong maglabas ng emosyon ng maramdaman ko ang biglang pagbigat ng damdamin ko at tila ba kinulong ako sa ising masikip na lugar na hindi ako makahinga.

Nang tumulo ang mga luha ko ay hindi ko na iyon sinubukang tigilan pa, I looked straight at Cherry even though my sight is still blurry. Sa mata ay kinakausap ko siya.

Why do you have to do that?

Why didn't you tell me first?

How can you?

"He deserves to know the truth about Alisha Megane." Hindi pa rin ito gumagalaw sa pagkakatayo niya sa harap ko at sa unang beses ay kumurap siya. "I didn't do it because I hate you, I did it because my brother doesn't deserved to be lied to."

I bit my lips to control myself from crying but as usual, it doesn't help. Patuloy pa rin ang mga luha sa pagpatak sa mga mata ko. 

I want to tell Cherry that she ruined the moment but I don't even have enough strength to open my lips. 

So I stay there. 

In that big garden, crying and alone, wishing that it was just all a dream.



*****

Bakit ba hindi ako nawawalan ng problema?

Bakit ba hindi kami magkaayos-ayos ni Jax ng tuluyan?

I sighed. 

Ako na naman may kasalanan, sino pa ba? 

I hid our daughter for a long time, maiintindihan ko siya kung hindi niya ako papatawarin. Sana lang... sana lang ay hindi kami umabot sa korte kung sakaling gusto niyang kuhain si Alisha.

Hindi pwede.

Hindi ko kaya.

She's my life, I am working hard for her, kung wala siya sa akin anong gagawin ko? Anong mangyayari sa akin?

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay muli akong huminga ng malalim. I am still here, in Jax's garden, tumigil na nga lang ang mga luha ko, nauubos rin pala 'yon. Ang sakit na ng mata ko, it's very sore from crying at kahit anong lungkot ko ay wala ng lumalabas.

I am not sure where he went to and I am too scared to face him, paano kung magkita kami ay makipaghiwalay na siya sa akin ng totohanan?

Kaya ko ba? I don't think so.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon