It's been a week and luckily wala pang gumugulo sa'min ni Jax, he's currently at work I never thought na seseryosohin niya ang sinasabi niyang 24/7 na pagtra-trabaho. Pag tulog ko ay wala siya, pag-nagising ako minsan ng madaling araw ay katabi ko siya, hindi ko na lang siya ginigising - I know he's tired. Pero paggising ko ulit ng umaga ay wala na siya sa tabi ko, it's been like that for a week now.
I'm missing him, so much.
Tumayo ako sa pagkakaupo ng matanaw ko si Aton na may hawak na kalapati, nakatalikod ito sa'kin at pinapakain ang kalapati.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan."Where's Jax?" Tanong ko sa kanya ng biglang marahang tumalon ang likuran nito.
"H-huh?" Wala sa sariling tanong niya - masyado kasi ata siyang naka pokus sa kalapati niya.
Nginitian ko siya. "SiJax nasaan?"
"Ah, ah na'sa bayan nag de-deliver 'yun si kuya."
"Deliver? Nang ano?" I asked curiously.
"Mga gulay." Maiksing sagot niya at ibinalik na ang kanyang paningin sa kalapati na hawak niya, ako naman ay umakyat sa 'taas at naalala kong papakainin ko pa pala si lola.
Isang linggo pa lang ako nandito pero sobrang close ko na agad ang lola ni Domique, ako ang nag aalaga sa kanya kahit sinasabihan ako ni Aton na siya na lang raw dahil bawal daw mapagod ang buntis, I can't believe how fool he is paniwalang-paniwala talaga siya sa kalokohan ni Jax. Mahina na si lola, wala naman akong ginagawa at nakakausap dahil si Aton ay halatang hindi komportable sa'kin kaya kay lola na lang ako lagi lumalapit, kahit nahihirapan na siya makasalita at laging tulog ay okay na ako 'dun.
"La?" Tanong ko at marahang kumatok sa pintuan ng kwarto niya."S-sige." Nahihirapang wika niya, pumasok na ako.
"Nagugutom ka na po?" Magalang na tanong ko at inilagay sa maliit na mesa ang dala kong tubig.
Nginitian niya lang ako.
"La?" Muli kong tanong at bahagyang umupo sa hinihigaan niya.
"Ija, kasintahan ka ni Jax ko hindi ba? Maswerte ka at gwapo' yung apo ko. Alagaan mo siya lagi 'a?" Seryosong sabi niya na ikinatawa ko.
"Lola naman." Natatawa pa ring wika ko. "Sandali nga lang dadalhin ko muna 'yung niluto ko." Sabi ko at bahagya ng tumayo ng hawakan niya ako sa kamay. "La?"
"Mangako ka, aalagaan mo ang apo ko."
"Eto naman, syempre po." Siyaka ko siya binigyan ng malaking ngiti pagkatapos ay hinalikan siya sa noo. "Pero ngayon kakain muna tayo kasi manghihina tayo 'pag hindi tayo kumain!" Patuloy ko pa at lumabas na sa kwarto niya upang dalhin nga ang niluto ko.
Iaakyat ko na sana ang pagkain ng makita ako ni Aton na nag madaling ipasok sa kulungan ang hawak niyang kalapati.
"Ako na ate." Medyo malakas na sigaw niya at ng naipasok niya na ang kalapati ay pumasok na siya at inagaw sa'kin ang plato.
"Kaya ko naman." Sabi ko ngunit di niya ako pinansin at tuluyan na kinuha ang plato.
'Yun na nga lang ang gagawin ko eh.
Lumabas na lang ako at nag lakad-lakad sa paligid, hindi pa ako nakatira sa probinsiya, nakakabisita - oo.
Habang naglalakad-lakad ako ay hindi ko maiwasang maisip si mommy, mataas ang pride niya alam kong hindi niya ako hahanapin at hahayaan akong kusang bumalik sa'min, kay daddy ako nag aalala paano kapag gumising siya? Napakagat ako sa labi ko, ano nang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016