Chapter 41 - 7 years ago

62.8K 807 78
                                    


"Ayaw mo na akong....makita?" Mahinang tanong ni Jax habang nakatingin sa'kin ng mainam. Ako naman ay tumaliwas at tumingin na lang sa harap ko sa ilog, dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang mga susunod kong isasatinig ng nakatingin sa dalawa niyang mata.

"I mean, what for?" Kinagat ko ang ibaba kong labi. Ang dami ko ng beses na pinractice iyong sasabihin ko, bakit ngayon pa ako nawawala? "Let's have a closure... 7 years late." Napangiti ako ng malungkot at hindi na pinigilan 'yong luha kong tumulo.

As if naman hindi na siya nasanay sa luha ko? Tuwing nakikita ko siya ay palagi na lang ako umiiyak.

"Closure." Tila may galit sa tinig nito pero hindi ako sigurado, marahil ay mali lang ako ng rinig. "Ayaw mo na 'yong set-up natin?" 

"It's ruining me Jax, habang ganito tayo palagi akong umaasa, umaasa na mababalik iyong dati." Huminto ako at pinikit ang dalawa kong mata sabay pahid sa mga luha ko sa pisngi. "Hindi naman na kasi pede 'diba?" 

Nakita ko ang paglunok ni Jax at ang paningin nito na tila mas umiitim at lumalalim pa. "You'll leave me again?" Paninigurado nito.

Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya, kung nagagalit ba siya o nalulungkot, o pede rin naman wala siyang paki. I don't know, hindi ko mabasa iyong ekspresyon niya. 

Napangiti ako sa tanong niya. "No, I am not leaving you, ikaw ang nang-iwan sa akin this time." Biglang nawala ang paningin niya sa akin at mabilis ng tumayo.

Isn't right? I still love him, I will always love him. Kung babalik siya sa'kin yayakapin ko siya, sasalubungin ko siya. Hindi ako ang magpapakasal sa iba tulad niya, hindi ako magmamahal ng iba, kasi all this time siya lang, si Jax lang ang gusto ko.

Hindi ako ang magiiwan. 

"Gumagabi na." 

"It's fine... please sit down. Let's talk, maghiwalay tayo ng walang galit. Kung alam mo naman na pala na hindi ko gusto iyong ginawa ko dati ay bakit galit na galit ka pa rin sa akin?" 

"Megane." Banta nito.

"Jax." Tawag ko sa kanya, may pagmamakaawa sa boses ko.

Ayokong matapos kami ng ganito.

"Tumayo ka na diyan o iiwan kita ditong mag-isa." Wala na lang akong nagawa kundi ang maglabas ng malalim na hininga at punasan na naman iyong mga luha kong lumalabas.

Pati ba naman sa dulo ng storya namin, papaiyakain niya pa rin ako?


*****

Sa buong biyahe namin ni Jax pabalik ng bahay ni lola ay walang nagsalita, maski noong nililigpit niya kanina lahat ng dinala niya ay wala rin kaming ingay na ginawa.

Tanging paghinga lang naming dalawa iyong naririnig buong biyahe at ngayon nga ay nandito na kami sa bahay ni lola, naunang lumabas si Jax at hindi pumasok sa bahay, nakapatong iyong katawan niya sa kotse na parang wala pang balak pumasok.

Malalim iyong iniisip niya. 

Is he thinking about what happened earlier?

Naguguluhan naman ako dahil akala ko ay pupunta pa kami sa graveyard pero mukhang wala ng balak si Jax. Hindi ko rin alam kung papasok na ako sa loob para ayusin iyong mga gamit ko dahil aalis na ako o susubukan ko ulit siyang kausapin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumabi kay Jax, wala siyang galaw-galaw at malayo ang tingin, hindi ko rin alam kung alam niyang nandito ako. "Jax?" Hindi siya sumagot. 

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon