Special Chapter: 1

59K 444 49
                                    

CONTINUATION NANG LAST CHAPTER WHICH IS CHAPTER 55 - MONSTER. I MADE THIS TO CLARIFY SOME HOLES


A monster....

How did my sweet Jax became a monster?

I don't know.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa harapan niya at hindi makagalaw dahil sa mga sinabi niya.

Paano niya nagawang pakawalan lang ng ganoon ang dalawa niyang anak?

That's not the Jax that I know.

How can he change so much? Pero tulad ko--- paano ko nagagawang mahalin pa rin siya ng sobra? Kahit na... kahit na pagkatapos niyang baliwalain 'yong pinagusapan namin, 'yong mga anak ko, 'yong buhay ko. Tulad ko, wala ring sagot.

Ilang minuto... ilang minuto pa lang kaming naglalaban sa titigan pero bakit pakiramdam ko ilang oras na? Bakit pagod na ako?

Bakit mahal ko pa rin siya?

I am trying so hard to hate him....iniisip ko 'yong pagsakit niya sa pakiramdam ko, 'yong paglalaro niya sa'kin kahit na alam naman niya palang sa dulo na may Chloe na siya at lalo na 'yong pagbabaliwala niya ngayon sa pinagusapan namin.  

Bakit wala?

Bakit hindi ko magawang husgahan siya?

Bakit kahit alam kong hindi lang ako ang nagkamali sa relasyon namin ay iniintindi at tanggap na tanggap ko pa rin siya?

Bakit hindi niya iyon magawa sa'kin?

Bakit ang bilis niya sa aking sumuko?

Bakit ganoon? Bakit ang duga-duga?

Bakit kapag nagkamali ako ayaw niya na agad sa'kin, how can he hate me that easily? Why can't I do that too? 

Dahil hindi ko na talaga kaya ang tindi ng tinginan namin ay tulad ng dati, sumuko na ako... ako na naman ang unang pumikit ng mata upang kahit sandali ay hindi ko makita ang taong sobra-sobra ang sakit na dinudulot sa'kin ngayon.

Nakatingin pa rin kaya sa'kin si Jax o iba na ang binibigyan niya ng pokus? Tulad na lang kung gaano niya kadaling itapon 'yong pagmamahalan namin.

Ibinukas ko na ang mga mata ko at sumasalubong pa rin sa akin ang dalawa niyang itim na itim na mga mata. Ganoon pa rin ang pwesto niya kanina. Unti-unti ay lumapit ako sa desk kung nasaan siya, hindi man lang ito kumukurap habang papalapit ako.

Naglakad ako, humakbang ako ng isang beses... nang isa pa hanggang sa wala na akong pwedeng pakhabangan sa lapit ko. 

Bakit ganoon pa rin?  Kahit tumayo na si Jax  sa harapan ko ay bakit hindi ko pa rin siya nakikilala? 

Sandali kong kinagat ang ibabang labi ko upang makapagsalita ako ng maayos. "Is that it? Are you completely fine?" Good Megane, you didn't stuter.

Kasi ako Jax? Hindi... hinding-hindi na ako magiging kasing-saya nang wala ka sakin but still, I'll make it work somehow, someday para kay Alisha... para sa anak natin na na'sa tiyan ko but it will never be the same without you.

Wala siyang sinagot and for a moment akala ko ay lalapitan niya ako pero imahinasyon ko lang pala 'yon. 

Humakbang ako patalikod habang malungkot na nakangiti sa kanya. How I hope my tears to stop from falling.... it's getting blurry. Palabo na nang palabo sa paningin ko iyong pigura ni Jax, kasabay nang alam ko na bawat hakbang ko palayo ay paalis na rin ako unti-unti sa buhay niya.

"T-this is the last time Jax.... ang sakit. A-ayoko na please.... hug me and stop my tears from falling if you still h-have a feelings for me." Bakit hindi siya lumalapit?

Bakit hindi pa rin siya pumupunta sa akin?

Maybe.... this is really the end.

At noong akala ko ay tapos na?

Doon niya ako sinalo. 

He hugged and wiped my tears just like what I told him.

And I knew... I knew  in that moment there were bound to be rough days ahead but at least.... at least I can finally say that I am home now.









Don't forget to comment & vote 😂

A/N: That's what happens, wala naman naganap na matagal na awayan. 'yong fafa Jax niyo po hindi rin nakayanan. Sorry kung hindi ko ito nailagay sa huling chapter. Honestly, this story was really supposed to end tragically kasi pero last minute ko na lang pinalitan. It was really a messed. Sorry po. Don't worry there would be Special Chapters pa na happy lang at walang drama na incoming, doon ipapakita ko kung paano ipinagbuntis ni Megane si Mark at ang pagkikita ni Jax at Alisha and the rest. Focused po muna ako sa second story ko kasi nayon ^^ THANKS FOR READING ♥

Last request po what Book Cover should I keep?

Last request po what Book Cover should I keep?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


or eto po

or eto po

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon