Chapter 11 - Bad Girl

94.9K 1.1K 64
                                    


"Megane have you heard about the new girl?" Napaangat ang tingin ko sa nagbabalat ng mansanas na si Chia.

"New girl? Who?" Tanong ko kahit sa totoo lang ay hindi naman talaga ako interesado. Habang nakatingin ako sa kanya ay pasimple na naman akong kumuha ng mansanas na binabalatan niya, kanina ko pa 'yun ginagawa kaya hindi ito dumadami.

Pinalo niya ang kamay ko bago nagsalita. "Tigilan mo na nga ang pagkain ng mansanas ko!" Naasar na wika nito at lumipat sa kabilang sofa kung saan hindi ko na maaabot ang mansanas. "Iyong babaeng new endorser ng Chinese make-up brand, 'yung pumalit sa iyo." Patuloy nito habang naka-focus pa rin sa mansanas niya.

Tinignan ko siya. "So? I don't care. I still have a lot of CF's"

"Ang sensitive mo naman inday! Tinatanong lang po kita!"

I shrugged my shoulder. "I don't have any idea who she is, why do you asked?"

"Wala lang, ang pretty niya kasi at bata pa siya she's only 18 years old but she's already 6'0 in height do'n pa lang Megane talo ka na, mabahala ka na."

Tinarayan ko muna si Chia bago nagsalita. "Once again, I don't give a damn, like really." Tumayo na ako sa inis at dumiretso sa kwarto, kinontrol ko pa ang sarili kong hindi ibalibag iyon pasara.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay tumalon agad ako sa kama ko at inilabas ang loptop kong na'sa ilalim ng unan pagkatapos ay agad na binuksan ko iyon.

Pumunta ako sa YouTube at sinearch ang pangalan ng Chinese brand na ini-endorse ko dati at ng matapos na ang loading nito ay agad na bumungad sa'kin ang pinakabagong CF na mabilis ko namang binuksan.

30 seconds lang ang video na 'yun pero kahit sandali lang iyon ay tama nga si Chia, hindi ko matatanggi ang ganda ng bagong endorser nila

Ilang million din ang views at iilan lang ang unlike, nag-scroll ako sa mga reviews at nabasa ang puro positive na comments tulad na lang ng,

'Cherry is really pretty!'

'Tbh, she's too pretty and sexy for her age!"

'We are the same age and she's already popular, beautiful and making lots of money while I am here sitting in front of my computer and being a potato, what's wrong with my life?'

'Wu family are the best! Cherry's parents must be so happy because they have a goddess-like daughter and not to mention that her brother is also a god-like. He's a billionaire  at such a young age! Cherry's brother is so hawt'

May mga comment pa ng Chinese na binasa ko. Nang mapagod na ako sa pagbabasa ay in-unlike ko muna ang video bago nagbukas ng panibagong tab at pumunta na'sa google, doon ko tinype ang pangalan niya at binuksan ko ang isang page na naglalaman ng mga information tungkol sa kanya, doon ko nalaman na 17 years old pa lang pala siya at magiging 18 pa lang next week.

I didn't see it coming, I thought she's 18, at least.

Napailing na lang ako. Ano ba ang kinakain ng batang 'yon at gano'n siya biniyayaan? Sabagay, sa height lang naman siya nakakalamang.

Height nga lang ba?

Umiling ako at muling ibinalik ang paningin sa loptop.

May mga binasa pa ako tungkol sa kanya at nalaman ko ring Chinoy pala siya. Nabasa ko ring may nakatatanda nga siyang kapatid na lalaki na kasalukuyang humahawak ng company nila.

Napangisi ako.

She's filthy rich, 17 at nakakakuha na ng ganoong kalaking endorsement? Let's talk about connection. Connection nga ba? Who knows, baka siya pa nga ang nagbabayad sa kumpanya para siya ang kuhain pagkatapos ng contract ako.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon