Nang mai-park na ni Chia ang sasakyan niya ay agad-agad akong lumabas at mabilis na dumiretso sa loob ng building kung nasaan ang flat ko, nauna na rin ako sa kanyang sumakay ng elevator.
Madiin ang pagkakakagat ko sa labi ko. Nang makalabas na ako sa elevator ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nang makapasok ako ay umupo agad ako sa pinakamalapit na upuan.
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko at ang siko ko sa hita ko.
Fuck... fuck!
Nang marinig ko ang biglang pagbukas ng pinto ay mabilis kong iniangat ang mukha ko. Medyo nagtataka si Chia sa reaksiyon ko pero nagpatuloy lang ito ng pagpasok.
"Ano?" Tanong niya ng mahalata niyang sinusundan ko pa rin siya ng tingin.
"I told you to stop! To fucking stop!" Mabilis at gulat na napalingon sa'kin si Chia. Huminga ako ng malalim. Kalma, Megane, kalma. "Hindi ba?" Nakakunot ng noong tanong ko, sandali akong hindi nagpatuloy dahil pakiramdam ko ay may lalabas ng luha sa'kin, sa frustration. "I told you to stop.." Mahina at kalmado ko ng sabi, ngayun ay nakatingin na lang ako sa paanan ko.
Wala na rin. It's no use.
Naiwan ko na siya.
Wala ng dahilan para magalit at magsisi pa.
Maybe, we're just simply not meant for each other.
But no... I s-still like him
like?
Napangiti ako ng mapait. Sinong niloloko ko?
"Baliw ka Megane." Sabay taray nito at diretso na sa kusina upang kumuha ng baso ng tubig.
Ako pa ang baliw!?
Matalim kong tinignan ang nakatalikod na si Chia sa'kin na wala man lang kaalam-alam kung ano ang nasira niyang pagkakataon. "Chia pumunta ka dito." Nang-gigigil na wika ko.
"Uhmm." Gumawa lang siya ng tunog dahil umiinom pa siya pero ng matapos siya ay naglakad na nga siya papalapit sa'kin at umupo sa kaharap kong sofa.
"Ano?" Binigyan ko lang ito ng napakatalim na tingin. "Megane, tinatakot mo ako!"
Ipinikit ko sandali ang mata ko at nagpakawala ng mahabang hininga. "Y-you just--- whatever. Just tell me, tell me Chia bakit ka nagmamadali kanina para lumabas sa mansyon na iyon?" Sabay subok ko na tignan ito ng normal lang.
Fuck, why is it so hard!?
Nakakaasar. Nakakaasar pa rin.
"Si ano kasi Meganne... si Uchi!" Biglang lumaki ang mata nito na parang batang nagku-kuwento.
"Oh, ano meron kay Uchi? Ituloy mo!" Masungit na sabi ko.
"Habang na'sa swimming pool area kami nagsasayawan kami. Ipinatong niya sa isang mesa iyong bag niya, hindi sinasadyang nasiko ko iyon at nahulog diretsa sa tubig! I have to admit, medyo lasing na kasi ako nun. The next thing I know bigla na lang siyang umiyak na parang bata at pinagtitinginan na ako ng mga kaibigan niya na parang kakainin ako ng buhay!" Nanglalaki pa rin ang mga mata niya habang kinukwento iyon. "Tapos, tapos tumakbo na ako at hinila na kita." Pumikit ito sandali at hinawakan ang sintinido niya. "Bukas na nga Megane nahihilo na ako." Patuloy nito.
Walang patutunguhan ang magalit o makipagaway sa isang lasing. Ang maigaganti ko na lang sa kanya ay ang hindi ikuwento ang nangyari sa'min ni Jax.
"Then go to sleep now." Wika ko at iniwan na siya sa sala, dumiretso na ako sa kwarto ko.
I can't believe it, siya ang nag-drive and she's drunk. Thanks god, we're safe.
Pagkahiga ko sa may kama ko ay mabilis ko ng nakalimutan si Chia at naalala si Jax, bakit kaya siya nandoon sa party? Ang akala ko talaga ay na'sa bahay niya ako pero ng dumating si Chia sa kwarto ay alam kong na'sa bahay pa rin pala ako kung saan nagaganap ang party.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
Roman d'amourOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016