Chapter 7 - Punishment from past

117K 1.3K 58
                                    

Inaantok na binuksan ko ang aking dalawang mata ng marinig ko ang sunod-sunod na doorbell. Ilang minuto pa akong humiga at ng marindi na ako ng tuluyan ay doon pa lang ako lumabas ng kwarto ko at tumungo sa pintuan.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko si Chia na diretso ang pasok at umupo sa nagiisang sofa ng flat ko.

"Mamayang 3 AM pupunta na tayo sa airport, alam kong matagal kang mag-ayos. Go ahead, take your time at ako ay matutulog muna." Pagod na wika ni Chia at ipinikit na ang kanyang mga mata.

"I'm still sleepy, can I --"

"Manahimik ka Megane, ikaw antok lang ako pagod! Kakagaling ko lang from 18 hours of flight tapos dumiretso agad ako dito, tapos pupunta pa tayo ng Paris tapos--" Ako naman na ang nagtigil sa kanya.

"Fine! Ang aga-aga ang ingay mo! Sige na, I'll get ready na! Doon ka na sa kwarto ko matulog!" Nginitian niya ako at tumayo na upang dumiretso sa kwarto ko.

Hindi na ako naligo at naghilamos na lang, kakaligo ko lang kasi kanina. Nagsuot ako ng isang mahabang fit white dress at pinatungan ko ito ng isang mahabang black chesterfield coat. Sinuot ko rin ang parehas na sapatos na sinuot ko kahapon, black converse. Dahil sa tinatamad akong mag ayos ng buhok ay sinuklay ko na lang ito at pinatungan ng isang black beanie.

Dumiretso ako sa full length mirror na na'sa kwarto ko upang makita ang buong sarili ko, makailang beses pa akong umikot at nag-adjust ng kung ano-ano bago ako nakuntento. I think my airport fashion today isn't that bad.

I look nice, very unique.

Pero parang may kulang, nag isip pa ako ng idadagdag pero ng makita ko ang nakakalat kong malaking big black clutch ay kinuha ko agad ito at muling tinignan ang sarili sa salamin.

Perfect!

Nang matapos na ako ay binalikan ko ang malaking bagahe ko, tinitignan kung may naiwan ba ako. Nang matignan ko na iyon ay pumunta naman ako sa dressing table ko kung nasaan ang mga makeups ko.

Naglagay ako ng perfume sa sarili ko at nagpagdesisyunang maglagay na lang rin ng powder at chapstick sa labi ko. I don't want to wear something heavy, ilang oras akong makukulong sa plane.

Tinignan ko ang oras at ng makita kong almost 3 na ay hinarap ko ang kama ko kung nasaan ang natutulog na si Chia.

"Chia!" Inalog-alog ko pa siya upang magising.

"What?" Nagulat ako ng inikot niya ang ulo niya upang tignan ako.

"Yuck! Naglaway ka pa sa unan ko! Ang kapal mo Chia! Gumising ka na nga! Bilis!"

Mabilis na umayos si Chia sa sigaw ko at dumiretso sa powder room upang magayos. Nang masigurado kaming wala na kaming naiwan ay mabilis kaming dumiretso sa Airport.

Nang makapasok na kami sa airplane galing sa ilang minutong paghihintay ay muling natulog si Chia samantalang ako ay binuksan ko na lang ang dala kong malaking clutch at inilabas doon ang binili kong magazine kahapon, thanks god I brought something to survive this 14 hour flight.

Una kong binasa ang tungkol sa kasal ng familiar na babae na ang pangalan ay Stella, no wonder kaya pala siya familiar ay siya ang nakalaban ko noong High School ako sa Seoul, South Korea. I'm happy for her.

Napangiti na lang ako sa sarili ko ng mapagtanto kong unti-unti ng nagpapakasal 'yung mga kasing edad ko. Hindi pa naman sila marami but still, halos lahat sila ay at least may boyfriend.

Simula no'ng mag-break kami ni Jax ay naging busy na rin ako, very busy na wala na akong naging love life simula 'nun. Tipong hindi ko na rin siya naiisip sa sobrang busy, but that's a good thing tho kasi I don't think I've truly move on na. Hanggang maaari ay iniiwasan kong isipin siya, kasi panandaliang walang sakit.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon