"Ano kilala mo na?" Makailang tanong ko pero hindi pa rin ako sinasagot ni Chia, malamang ay naaasar na 'to. Nang makapasok na kasi kami sa kwarto ay doon ko na siya kinulit-kulit na alamin ang pangalan no'ng lalaki kung pede ay pati ang Room Number sana nito.
I don't even know why I'm doing this.
"Kanina ka pa 'ah! Siraulo ka! Know it yourself!" Sigaw ni Chia at malakas na isinara ang pintuan ng bathroom. "Assistant mo ako Megane, hindi utusan!" Pahabol na sigaw pa nito.
Napataray na lang ako sa kawalan.
Who's that man ba kasi!?
I need to talk to him!
Inilagay ko na ang mga damit ko sa bagahe sa malaking kabinet at inayos ang iba ko pang mga dala. Nang matapos ang lahat ng iyon ay dumiretso ako sa salamin kung saan ko itinali ang nakalugay kong buhok, nagpalit rin ako ng pangitaas at magsisimula na sanang lumakad palabas ng kwarto ng marinig ko ang boses ni Chia.
"Oh, 'san ka?"
Nilingon ko si Chia upang tarayan lang ito pagkatapos ay doon ko na sinara ang pinto.
Bitch please.
Nang makasakay na ako ng elevator ay binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang text ng babae, yes, makikipagkita ako agad sa kanya kahit na kaaalis niya pa lang.
Hindi ko alam, ang weird I'm always helpful naman pero never pa akong nakaramdam ng ganito. Iyong tipong hindi ako makapali hangga't 'di ko natutulungan 'yung babae, there's something about her that I can't explain. Pero bago ko siya tulungan ay kailangan ko muna siyang kausapin kung bakit ba kailangan niyang mag-stay sa hotel na'to at baka kilala niya pa ang natapunan niya ng coffee kanina dahil kung ganoon ay malaking tulong 'yun.
Sumakay ako sa isang cab at ipinakita ko sa driver ang text ng babae na naglalaman ng address ng lugar kung saan kami magkikita.
Ilang sandali lang ang byahe, mas mabuti pa nga kung naglakad na lang ako, nakapag-exercise pa. Ibinaba ako ng cab sa isang Pizza Restaurant, hindi naman ako nabigo dahil mabilis ko namang nahanap ang babae na nakaupo sa isa sa mga upuan ng restaurant na na'sa labas.
Nang makaupo na ako sa tapat niya ay binati ko siya. "Hey." Tinignan niya ako at ngumiti.
"Want some pizza?" Tanong nito kaya umiling ako, I'm on diet.
'Kailan ba hindi?' Isip ko.
Nginitian ko siya bago nagsalita. "Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko na mahina niyang ikinatawa, do'n ko pa lang nakita ang kagandahan niya, maayos na kasi siya ngayun at hindi tulad kanina na parang nawawalang pusa.
"Oo nga pala 'no, we've been texting all the time but I failed to introduce myself, I'm sorry, anyways I'm Ari." Itinaas niya ang kamay niya kaya nakipag-shake hands ako dito.
"Nice too meet you again Ari." Muli akong ngumiti. "And I'm Megane."
"Thank you sa lahat Megane! Pero hindi mo naman na ako kailangan tulungan pero salamat pa rin. Alam kong kakausapin naman ako ng asawa ko pero hindi sa ngayun, s-siguro pagnanganak na ako." Sabi ni Ari at malungkot na ngumiti.
"Y-you're pregnant?" Gulat na tanong ko habang sinusuri ang pangangatawan nito, kahit saang anggulo ay hindi halatang may dinadala siya. Maliit lang siyang babae, sa tansiya ko ay siguro na'sa 5'0 to 5'2 siya at sobrang petite niya, kayumanggi ang balat nito na bumabagay sa exotic niyang mukha.
"Yeah, hindi halata 'no? 2 months pa lang kasi at kahit 'yung mga kapatid ko ay hindi malaki magbuntis."
"Really? Nakakatuwa naman." Sabi ko na lang sa kawalan ng salita.
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016