Chapter 20 - She will suffer

67.6K 860 81
                                    


A/N: Bagay ang kanta sa chapter na'to :)


"Bumalik sa dati?" Ulit nito sa sinabi ko at tila nawala na ang kanina niyang ngisi, muli siyang bumalik sa kanina niyang inuupuan at tinitigan ako ng mariin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng mapagtanto ang nasabi ko. Tinanong ko lang ba siya kung pede kamaing bumalik sa dati? 

Ang kapal naman ata ng mukha ko, ano?

Ano kaya ang iniisip niya sa'kin ngayun?

I'm Megane, 'yung babaeng nang-iwan sa kanya, 'yung babaeng binaba siya dahil sa katayuan niya sa buhay, 'yung Megane na... 'yung Megane na napilitang saktan ang mahal niya, iwan ito at paniwalain sa lahat ng masasakit na salita.I'm still that same Megane.

'Yung Megane na mahal pa rin siya.

'E siya? He's different now. Ibang-iba na siya sa Jax na una kong nakilala, hindi ko siya masisisi. People change and that's life, ako 'yung hindi nagbago. Ako pa rin 'yung Megane na mabilis masaktan, 'yung mahal pa rin siya, hindi niya iyon kasalanan.

"J-just forget it." Itinaas ko na ang mukha ko at pinilit na ngumiti sa kanya. Please Jax, just forget it, just freaking forget it. It's embarassing. Nakakahiya. Nakakahiya na kayang-kaya niya ng ipamukha sa'kin  na ako iyong naghahabol ngayun. Na ako na ang walang 'sabi' sa aming dalawa. 

Mukhang wala itong balak kalimutan ang sinabi ko ng muli na naman siyang nagsalita."Bumalik sa dati?" Seryoso ang titig nito, malamig, 'yung tipong hindi ka makakahinga once na tumingin ka sa mga ito. "Naririnig mo ba ang sarili mo Megane?" Hinde makapaniwalang tanong nito at umiling-iling pa

Just stop it.

"I'm sorry." Yumuko na naman ako, I can't look at him, heck, I don't even know how I make myself talk to him! I love him, mahal ko siya pero kahit tingin ay nahihirapan akong gawin, dahil alam kong hindi pa rin nabubura ang mga nangyari sa'min no'ng araw na 'yon.  "It's hard to admit Jax but I know you still love me, maghihintay ako...." Nang matapos ko iyong sabihin ay pakiramdam ko ilang sandali na lang ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

The I said it.

I finally said it.

Do I look pathetic? Am I? But what can I do when I feel like he still loves me? 'Yung mga ginawa niya no'ng nakaraang araw ay hindi niya gagawin if he truly hates me. I'm not stupid. Lalong-lalong hindi ako manhid. Kung mali man ang pakiramdam ko, sigurado akong may natitira pa rin, may natitira pa rin.

"Hindi kita mahal." Muli kong ibinalik ang paningin ko sa kanya upang tignan kung nagsasabi nga ba siya ng totoo ngunit hindi iyon nangyari dahil bigla siyang tumingin sa may kisame.

Is he going to...?

Habang pinapanood ko siya na tila nagpipigil ng luha ay may bigla na lang akong naramdamang basa sa mukha ko.

Tears are flowing from my eyes.

Malungkot na lang akong napangiti.

I've been crying these past few days, para bang ngayon nito binabawi ang ilang taon kong pagpipigil. 

"Kung ganun ay bakit mo pinipigilan ang luha mo?" Nahihirapan na tanong ko upang madiretso ang pagpagsasalita ko. Naniniwala ako na ang pag-iyak ko ay nagpapakita lang na apektado pa rin ako, na hindi ko pa rin siya kinakalimutan kasi mahal ko pa rin siya.

I always believe that not showing your tears makes you a strong person, but I've been wrong all my life, it's exactly the opposite. Showing tears doesn't mean you're weak. It means you're brave, brave enough to accept it and face it. 'Cause if you never cry it means you're  weak, you're ignoring the problem.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon