Chapter 38 - Fuck You

59.3K 722 34
                                    

"Chloe." Medyo gulat na wika ko, medyo lang dahil pinipigilan ko ang sarili kong hindi magpakita ng kahit na anong bakas ng reaction.

Of course Chloe, sino pa ba?

The bitch. Ex-girlfriend ni Jax.

God, I thought he's better than this.

Honestly, he'll marry a bully? Nakalimutan niya na ba iyong sa party na akala mo street-gangster sila sa pag-abuso sa isang kawawang babae?

"We're just going to breakfast honey, you don't need to get all dressed up, you see 10 minutes late na tayo 'coz of you." In fairness, kumpara sa una ko siyang nakita na may heavy accent sa pagsasalita ay nawala na iyon ngayon. She now speaks like a native.

"Oh you think sobrang dressed up ko?" Napangisi ako, kasi plain tee-shirt lang naman ang suot ko at blue pants, sa paa ay naka-heels lang ako ng 2 inches, bitbit ko din ang baby ko na Lana Marks Cleopatra Bag,which is my most expensive bag.

I bought it last year for $250,000 or 12.5 Million peso, I like to think it's an investment naman. I've been eyeing this really expensive since it's realesed and finally, noong nakita ko 'yon sa isang co-model ko sa Paris Fashion Week, I knew kailangan ko siya sa buhay ko. I don't normally buy those super expensive bag 'coz I am not a billionaire, I'm just an A-list model but yeah, I'm really proud of this bag because I bought it with my own hard work and money.

"It's just me 'e. Not my fault Chloe na kahit iyong mga simple o basurang damit kapag sinusuot ko ay nagiging high-class." I shrugged at pinigilan na matawa ng malakas. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Jax sa unuhan.

"Oh really bitch?" Okay, lumalabas na iyong Chloe na kilala ko. I didn't comment back sa sinabi niya dahil ayaw ko ng gulo, ilang minuto pa ang lumipas ng wala sa'ming nagsasalita hanggang sa wakas ay huminto kami sa isang local restaurant sa bayan.

Nagsimula ng bumaba ang dalawang na'sa harap kaya ganoon din kami ni Aton, sa pagbaba,paglalakad at hanggang sa pagupo na namin sa mesa kung nasaan sila kuya George ay inilalayan ako ni Aton, kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Noong tumingin ako kay Jax ay nakita kong nakatingin siya sa'min ng mainam na inalis niya rin agad ng mapansin ko. "Anak!" Nakatayo pa rin sila Jax kaya tumayo rin si kuya George para yakapin iyong sobrang tangkad na niyang anak. Si Ate Melit ay nakita kong nginitian lang si Chloe.

"Upo, upo na." Aya ni kuya George sa dalawa. "Kamusta iyong paglipad niyo papunta dito? Kahapon lang kayo nakabalik mula sa Macau 'diba?" 

Oh, buti na lang ay hindi ako pumunta sa apartment ni Jax sa Manila, kasi ilang beses na iyong dumaan sa isip ko, since hindi siya nagpaparamdam sa'kin. Kung sakaling ginawa ko 'yon ay magmumukha lang pala akong desperada.

"Opo, mej pagod pa kuya pero you know, sanay na kami ni Jax baby na mag-travel, wala na lang iyon." Jax baby!? Seriously!?

Hindi ko maiwasang mapansin iyong trato ni Chloe sa parents ni Jax at sa'kin. Grabe lang iyong pagkakaiba. I think even before I met Jax ay close na si Chloe sa magulang ni Jax dahil dito sila lumaki at pare-parehas silang iton 'yong hometown. Doon ko napagtanto na 'wow, ako pala 'yong out of place dito.'

"Nakatulog ba kayo sa bahay ni nanay ng mahimbing?" Hindi sinasadya na mapabuga ako ng mainit na kape sa harap kong si Jax na pinipigilan ang ngumisi,ngumiti or whatever.

"Megane?" si Aton.

"S-sorry." Sinasabi ko 'yon na diretsong nakatingin sa dalawang mata ni Jax. "Ask Chloe po, she was very loud last night." Nakatingin na ako kay kuya George.

Saktong umiinom pa naman si Chloe ng mainit na kape kaya siya naman ang napabuga sa sinabi ko at nahihiyang nag-sorry. "Ano bang meron sa kape?" Sa unang beses ay nagsalita si ate Melit matapos iyon ay kinuha niya ang kape niya at uminom, tulad ng inaasahan, wala namang nangyari. "Okay naman 'a?" 

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon