Chapter 35 - Toxic Relationship

57.9K 696 44
                                    

Tila nabingi ako at hindi narinig ang huling salitang sinabi ni Aton, or more like, tila nagtanga-tangahan ako at nagkunwari na hindi ko siya narinig.  "A-anong sinabi mo?" Halata ang pagkagulat na rumehistro sa mukha niya ng dahil sa reaction ko. Nang magsasalita na sana siya ay mabilis niya ring pinigilan iyon ang pagbuka ng bibig niya at sinara iyon.

"H-hindi mo alam?" Tanong niya ng makalipas ang ilang segundo.

Pumikit ako sandali upang pakalmahin ang sarili ko at hindi maisigaw ang tanong ko. "Anong sinabi mo?" Maari namang nagkamali lang ako ng rinig, hindi ba? Imposible... oo, alam kong galit sa'kin si Jax kahit hindi niya sabihin alam kong hindi siya makalimot, pero ang magtaksil kung sakaling may kasintahan siya? Imposible... imposible, hindi ganoon si Jax.

"Megane late na, hindi ka pa ba uuwi?" Nagpakawala ako ng mahabang hininga at hindi sinagot si Aton kundi tinignan lang ito ng mainam.

So Fiancee it is.

May fiancee siya pero nakikipagtalik siya sa iba, sa akin. 

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang hindi masigawan si Aton. Hindi niya ito kasalanan, si Jax lang ang gumawa no'ng pangloloko.

"Magiging okay lang ako Aton, bukas sasama ako. Anong oras ko kailangan pumunta dito?" Wika kong tinatago ang tunay kong nararamdaman. Sa totoo lang? Nagsisimula na akong mamanhid. Hindi ko na alam ang magiging reaction ko sa lahat ng bagay na pinaparamdam sa'kin ni Jax.

I want to talk to him, one last time pagkatapos no'n? Tutuloy na ako sa dati kong buhay... tulad ng dati, kakalimutan siya, pati iyong maliit na panahong nagsama kami. Kasi kung hindi ko 'yon gagawin? Iyon ang sisira sa buong pagkatao ko.

Paanong ang sandaling panahon ng pagmamahalan ang dumidikta pa rin sa buhay ko makalipas ang pitong taon?

Only Jax.



*****

Hindi ako umuwi sa bahay at dumiretso lang ako sa bahay ni Chia. I talked to her for hours, inilabas ko lahat ng tinatago ko sa isip ko. Pati iyong ginawa namin ni Jax sa Bora-Bora at ang epekto no'n sa akin ngayon. It feels good talking to her, sa unang beses ngayong linggo ay parang nakaahon na ako sa malalim na tubig na humaharang sa paghinga ko.

Chia is my bestfriend and only friend,  alam niya ang lahat sa'min ni Jax simula pa lang noong unang bese naming magkatinginan. Sinabi ko rin sa kanya 'yung 'pag-asa' na naramamdaman ko noong na'sa Bora-Bora kami na unti-unting nawawala na ngayon, kahit kamustahin man lang niya ako after Bora-Bora ay wala. 

Nakumpirma ko na nga iyong kabaliwan ko ng mag-usap kami ni Aton.

Noong nalaman kong may iba na pala siyang binibigyan ng pagmamahal na hindi niya na maibigay sa akin ngayon.

"Chia... bakit ganoon?" Inusog ni Chia ang isang malaking box ng tissue sa pwesto ko at pinakalma ako mula sa pagiyak gamit ang kamay niyang taas-baba sa likod ko. "I was young and fool. W-wala akong alam na iyong desisyon kong saktan siya dati para hindi siya guluhin ni mommy a-ay babalik sa'kin...I did it for him even tho it killed me inside, p-pero sabihin mo sa'kin, anong dahilan ng pananakit niya sa'kin ngayon?" 

Huminga ng malalim si Chia. "Megane, you think kaya niya ginagawa 'to sa'yo ngayon dahil doon pa rin sa nangyari noong gabing 'yon?" Kahit punong-puno ng luha ang buo kong mukha ay nagawa kong tumango. 

"I-I'm sure." Alam ni Chia ang nangyari noong gabing iyon pero hindi niya alam ang detalye, kung gaano kasayad sa trabaho si Jax, he almost never sleeps para patunayan sa'kin na kaya niya akong buhayin. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng tunay kong nararamdaman, I don't care about the money or material things as long as we're together pero noong gabing 'yon ay binawi ko ang lahat. Sinira ko siya, ako 'yong gumawa ng halimaw sa loob niya ngayon. 

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon