Chapter 13 - I'm the Queen, bitch!

81.5K 1K 114
                                    



Ilang beses kong ipinikit -buka ang mata ko upang makasigurado ako sa nakikita ko. Nang makumpirma ko na ito ay diniretso ko ang aking katawan.

It's Chloe, Jax's ex-girl. Ano kayang ginagawa niya dito? Last time I checked, she's living her life in the province wearing her cheap clothes pero bakit parang may nagbago? Sinuri ko ang buong katawan nito, kung saan ang mga suot niya ay puro galing sa mga world class designer. I wonder what happened? I saw her with... Jax, with my Jax in Paris. Maybe, she got famous? Maybe, nagnakaw siya sa bangko?

Inalis ko na lang ang kalokohang naisip ko.

"Megane?" Rinig ko ang boses niya. Tinignan ko siya ng diretso sa mukha.

"Sorry, hindi ko sinasadya napadaan lang naman ako." Napatingin ako sa mga babaeng na'sa gilid lang at katabi niya, doon ko napagtantong marami nga pala talaga ang tao sa loob, siguro ay sampu sila.

Nanglaki ang dalawa kong mata ng mapunta na ang paningin ko sa isang babaeng nakaluhod at umiiyak, tahimik lang ang iyak nito, kaya siguro ay hindi ko agad siya napansin.

Narinig kong mahinang tumawa si Chloe. "Hindi sinasadya? For sure sinadya mo 'yun." Mabilis na napatingin ako sa mukha nito, alam kong bakat ang pagtataka sa mukha ko. Anong ibig niyang sabihin? Bakit ang taray niya sa'kin?

"You still love Jax hindi ba? That's why you're here."

Awtomatikong naramdaman ko ang pamilyar na hangin tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Lumakas ang tibok ng puso ko at parang hindi na ako makapag-isip ng diretso. 

"N-nandito si Jax?" Naramdaman ko ang kung anong pamumula sa mukha ko dahil sa paglabas ng pangalan nito sa bibig ko.

It's strange, it's weird.

"Stop pretending."

Gulat pa rin akong nakatingin sa kanya. "W-what do you m-mean?" As far as I remember we're not enemies, well, we're not friendly to each other either but I don't have any idea why she's being rude to me. She even greeted me in Paris.

Hindi ko maintindihan kung bakit bakas na bakas sa mukha nito ang asar sa akin.

"Who is she Chloe? Tapusin na lang natin 'to, come on!" Sabi ng isang magandang babae na katabi niya, lahat naman ng babae sa kwarto ay maganda pero alam kong may mali. Mabilis na nawala ang pokus sa'kin ni Chloe at hinarap na ang nakaluhod na babae.

Kawawang-kawawa ang nakaluhod na babae, magulo ang mukha nito dahil nasira na ang make-up niya ng kanyang mga luha. Marahan akong napatalon sa gulat ng bigla siyang literal na sipain ni Choloe. Mabilis na may lumapit na babae kay Chloe at may iniabot na baso ng tubig and some kind of drug. Ang kaninang babaeng nakaluhod ay nakahilata na ngayun.

Hindi ko alam ang gagawin, tila napako ang dalawa kong paa sa kinatatayuan ko. Gusto kong pigilan ang gagawin ni Chloe lalo na ng sapilitan nitong ibuka ang bibig ng kawawang babae pero masyado akong nagulat para makagalaw.

Nang magmatigas ang kawawang babae ay dinuraan ni Chloe ang bibig nito, malamang sa gulat ay napaamang ang babae, ayun ang ginamit na pagkakaton ni Chloe at ipinasok na ang drug sa bibig nito. Matapos ay tinapon niya ang baso ng tubig sa mukha ng babae.

What the..

What the fuck.

Malaki ang mata kong nangingig na napatingin sa kamay ko, sobra ang panginginig na nararamdaman ko, alam ko ring nakataas na ang lahat ng balahibo sa katawan ko. 

A-anong nangyayari?

Nang maramdaman ko ang basa sa mukha ko ay mabilis kong pinahid 'yon, natatakot ako. Natatakot ako pero hindi tama ang ginagawa nila. Pumikit ako ng mariin at mabilis na humakbang papunta kay Chloe na sinisipa pa rin ang babae.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon