Chapter 36 - Mother Fucker

57.7K 705 34
                                    

"Nagsisimula ka na naman Melit, ginagawa mong masama 'yong anak mo sa mata ng iba." Komento ni kuya George na hindi masaya ang tono, si Aton naman ay napatingin sa'kin na parang humihingi ng tawad. 

"Hindi ba?" 

"Ikaw ang hindi pumapansin sa kanya, ilang beses na ba siyang tumawag para makipagkita tuwing na'sa Pilipinas siya? Hindi mo lang kasi matanggap na malaki na ang anak mo at kaya niya ng patakbuhin iyong buhay niya mag-isa. Malaki ang parte ni Jax sa mundo, hindi niya kaya na uwian ka araw-araw. Sana makita mo naman 'yong effort ng bata." Hindi sumagot si ate Melit sa mahabang sinabi ni kuya George, at ilang oras kaming nanatiling lahat na ganoon. Tahimik, hanggang sa ihinto na ni Aton 'yong kotse sa isang mini stop para maunat namin iyong legs namin at makakain.

"Nagugutom ka ba Megane? Ililibre na kita." Tulong ni kuya George habang naglalakad kami papunta sa isang convenience store.

"Opo pero ako na po ang magbabayad." Ngiti ko ng biglang mawala iyon dahil nilagpasan kami ni ate Melit at tuluyang pumasok.

"Pagpasensiyahan mo na anak iyong asawa ko, hindi ko talaga siya naiintindihan. Ganyan din siya kay Jax." Ako naiintindihan ko siya, alam niya kaya?

Hindi kami tumagal sa pagkain kaya ng matapos na kaming apat ay mabilis rin kaming bumalik sa kotse at nagpatuloy na si Aton sa pagpapandar no'n. 

Ilang oras na naman ang lumipas bago ko na tuluyang mamukhaan ang mga dinadaanan namin. Iyong lumang sign board na nagsasabing papasok na kami sa probinsiya nila Jax, pati 'yong bayan kung nasaan ang factory na pinagtra-trabahuhan dati ni Jax at iba't-ibang maliliit na gusali. Nandoon rin iyong maliliit na kainan kung saan niya ako dinadala tuwing sahod niya at iba-iba pang lugar kung nasaan nakatatak iyong mga alaala ng sandaling pagmamahanalan namin.

Maybe, sa kanya sandali, pero sa'kin hanggang ngayon ay pinaghahawakan ko pa rin iyon.

Mabuti na lang ay nandito pa ang karamihan noong mga lugar na pinupuntahan namin dati ni Jax. Kasi kung wala? Baka tuluyan ko na ngang isiping panaginip lang iyong lahat.

Kung titignan kasi ngayon ang relasyon namin ni Jax ay parang imagination ko nga lang iyong isang beses na masaya kami at totoong nagmahalan.

"Malapit na tayo." Pagkasabi ni Aton no'n ay unti-unti na ngang nawawala  iyong mga establishment at modernong bahay na makikita mo sa bayan. Napapalitan na naman ang lugar ng puro berdeng kulay, nagpatuloy pa sa pag-drive si Aton dahil tago iyong bahay ni lola at walang malapit na kapit bahay hanggang sa tuluyan na siyang huminto.

Una siyang bumaba na sinundan ko.

Sa harap ko ngayon ay ang bahay ni Lola.

Kung nasaan ang lahat ng pinakainiingatan kong ala-ala. 

Nostalgic. 

Sa sandaling iyon ay sobrang daming ala-ala ang parang dumaan sa harap ng dalawa kong mata. "Megane?" Tanong ni Aton at doon pa lang ako nagising sa katotohanan at sinundan na sila papasok ng bahay.

"Ang linis ng bahay ni mama, parang walang pinagbago." Komento ni Ate Melit pagpasok na pagpasok pa lang namin.

"May binabayaran kasi si Jax para linisin 'tong bahay palagi." Singit naman ni kuya George.

Nawala iyong ngiti ni Ate Melit ng muli siyang magsalita. "Dito ba siya tutuloy?" 

"Oo."

"Dito!? Hindi mo man lang---" Hindi ko na narinig ang sumunod na reklamo ni ate Melit ng bulungan ako ni Aton na umakyat na kami sa taas at ayusin iyong gamit namin dahil magsisimula na naman ang mag-asawa magsagutan.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon