Chapter 16 - Open Sesame

80.4K 999 19
                                    



Nakatulala pa rin ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng flat ko. Paniguradong si Chia iyon, siya lang naman ang may extra key sa flat ko. Kanina ay halos harangan ko na ang kotse ni Jax upang pansinin niya ako pero pursigido siya at iniwan niya talaga akong mag-isa.

He just said that he missed me, pero bakit bigla na lang siyang nagalit?

Bipolar ba siya? Sa pagkakakilala ko naman sa kanya ay hindi naman siya ganoong tao.

Dahil ba iyon sa bigla niyang naalala ang ginawa ko sa kanya? Or pinaalala ko na galit pala siya dapat sa akin?

"Sa susunod ay tatahimik na lang talaga ako." Bulong ko sa sarili ko ng mapatalon ako ng may makita ako sa Peripheral Vision ko na mukha ng isang babae na napakalapit sa'kin. "Chia! Ano ba!? Bakit ka nang gugulat!?" 

"Anong hindi mo na ipapaalala? Napapansin kong kakaiba ka these past few days Megane, may nakakalimutan ka atang sabihin?" Itinaas nito ang isa niyang kilay.

"W-wala lang 'yun."  Mahina kong bulong.

Nakita ko ang pagikot ng mata nito paitaas. "Wala ka talagang balak sabihin sa'kin?"

"Chia.... please." Tinignan ko lang ito ng matalim at tumayo na papasok ng kwarto ko, sinarado ko ang pinto upang masiguradong hindi siya makakapasok. Dumiretso ako sa higaan ko at bumagsak.

Jax, why now?

Bakit mo pa ako ginugulo? Bakit ka pa nagpapakita? Matagal ko na dapat ibinaon ang pakiramdam na 'to no'ng araw na iniwan kita pero bakit ganito pa rin ang aking nararamdaman?

Mabilis akong umupo at inilagay ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Alam kong may luha ng lumalabas doon pero hindi ko na iyon pinagbalahang punasan.

What's the point?

Obviously, I still love him ---- so damn much and it hurts to see his hatred towards me. 

I can't deny it anymore, I still do love Jax. Marahil ay sinasadya ko lang na magpaka-busy at hindi siya isipin upang hindi ko na maalala 'yung nararamdaman ko sa kanya no'ng mga nagdaang taon, pero paano ko ulit iyon magagawa kung nandito siya? Kung palagi na lang siyang nagpapakita?

"Megane, you know, you can talk to me?" Rinig kong mahinang pagkatok ni Chia. I bite my lower lip.

Tumayo ako upang buksan ang pinto at nang mabuksan ko na ito ay mabilis ko siyang yinakap. 

"It's okay." Hinimas-himas pa niya ang likod ko. Nang matapos ang ilang minutong pagiyak ko sa kanya ay pumasok kami sa loob at umupo sa kama ko. "So, what's making my friend cry?" Binigyan ako ni Chia ng maliit na ngiti. "It's been years since I've seen you last cry, what's the matter Meg?" 

Pumikit ako sandali at inisip pa kung sasabihin ko ba sa kanya.

She knows Jax. Tho, hindi lahat ng detail ay alam niya, still, she knows that he is my first love and how my mum ruined our relationship

"Jax." Sandali itong nanahimik at tila nagisip, ilang segundo lang ay tila nanglaki ang dalawa nitong mata.

"Jax!? You kidding me? T-the, what do you call it? Your first boyfriend?" Tumango ako.

"My first love."

"You're crazy Meg.... hindi mo pa rin siya nakakalimutan?" Mahinahon na ito ngayun at nawala na ang gulat sa boses.

Kinagat ko ang ibaba kong labi at umiling. "I've met him numerous times just this month Chia, I don't know what to do, I-I still feel the same way when we're together,  why is that Chia? Bakit ganon?" Tinignan ko ito sa mata.

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon