"Where are we now?" Tanong ko sa nakayakap na si Jax sa'kin, nakasakay kami sa isang bus na hindi ko alam kung saan patungo, unti-unti na rin napapalitan ang mga matataas na building ng mga halaman at bundok na natatanaw ko. It's full of green.
"Basta, malapit na tayo." Inaantok na bulong nito at tuluyan na ngang bumigay, ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
Muli akong tumingin sa bintana, I wonder how's mommy? Gising na kaya siya? Alam niya na kayang nawawala ako? Napapikit ako ng mariin, dapat ay hindi ko na iyon inaaalala ngunit kanina pa iyon laman ng utak ko.
Panindigan mo ang desisyon mo Megane.
Ilang minuto lang ay tuluyan na ngang nawala ang mga building, I'm pretty sure sa probinsiya niya ako dadalhin. Nang si Jax naman ang nagising ay ako naman ang natulog, parehas kaming kulang sa tulog, siguro dahil sa kakaisip.
Nagising na lang ako ng may tumatawag sa pangalan ko "Megane, nandito na tayo, gising baby."
Unti-unti kong inayos ang buhok ko bago tuluyang lumabas sa bus "Saan tayo?" Muli kong tanong kay Jax na naglalakad ngunit seryoso siya habang hawak niya ang phone niya, mukhang may ka-text.
"Huh?" Tanong nito ng nilingon niya ako.
"Wala." Sabi ko na lang at medyo inirapan siya, napaka absent minded.
Nakita kong itinago niya ang cellphone niya at tumingin sa'kin. "Galit ka?" Tanong niya at kinurot ang pisngi ko, umiwas na lang ako ng makita kong kukuritin niya itong muli.
"Stop, Jax!" Asar na wika ko ngunit tinawanan niya lang ako.
Huminto kami sa isang waiting shed ng sinabi niyang may susundo daw sa'min hindi naman nagtagal ay may huminto ngang maliit na truck sa harapan ng waiting shed na may mga laman na gulay sa likuran.
May bumabang lalaki doon at hinagis ang susi kay Jaxe walang sabi-sabi ay pumunta ito sa likuran, kung nasaan ang mga gulay. Ako naman ay hinila ni Jax sa harapan at pinaupo sa tabi driver's seat
"Marunong ka ba mag drive nito?" Nanglalaking mata na tanong ko ng makapasok na rin siya pero tumawa lang siya bilang tugon. "Saan tayo?" Muli kong tanong ngunit nginisian niya lang ako.
Minsan ay nakakaasar na rin talaga ang ugaling ganyan ni Jax, hindi ko alam ang na'sa isip niya.
Sandali lang ang iniandar ng sasakyan at bumaba na rin kami sa tapat ng may kalumaang bahay ngunit malaki. Medyo tago pa ito dahil nalilibutan siya ng mahahabang taniman at walang mga kalapit na bahay.
Bumaba na si Jax at umikot upang pagbuksan ako.
"Salamat."
Pumasok kami sa loob kaya pinag masdan ko ang buong paligid, tahimik dito at luma ang halos lahat ng gamit sa loob, gawa ito sa mga kahoy pati ang buong bahay ay ganun din.
"Dito muna tayo titira." Wika ni Jax ng bigla ako nitong hinila sa second floor, mahaba ang pasilyo doon at madaming mga pinto pero pumasok kami sa pinakagitnang pinto.
"Dito kwarto natin." Sabi nito ng tuluyan niya ng mabuksan ang pinto, tumango ako at tinignan ang buong kwarto. Hindi naman ito maliit, disente naman ang sukat ng kwarto, may malaking kama sa gitna at may iilang kahoy na kabinet, mayroon din itong malaking bintana kung saan may dalawang upuan na malapit doon, masarap siguro doon umupo dahil sa sariwang hangin.
"Dito ka rin matutulog?" Tinignan ko si Jax. Nginisian niya ako ng makahulugan.
"Oo pero wala akong gagawin sa'yo, kung wala kang tiwala pede kitang bilhan ng pills."
"Jax!" Saway ko ngunit tumawa lang ulit siya at pumunta na sa higaan upang magpahinga na, nakapikit na ang mga mata niya ng dumilat itong muli at inaya akong mahiga na rin sa tabi niya.
Nang mahiga na ako ay siyaka niya ako kinulong sa mga bisig niya. "Alam kong pagod ka rin, tulog na tayo baby." Bulong nito sa'kin kaya nagpadala na rin ako sa pagod ko.
~~~~~
Nagising na lang ako ng wala na si Jax sa tabi ko buti na lang at may orasan sa ding-ding kaya nalaman ko ang oras, hapon na rin pala.
Lumabas ako ng kwarto, nagbabakasakaling baka makita ko si Jax ngunit wala siya kaya bumaba ako sa unahang palapag.
Wala ring tao.
Nakakatakot at ang laki pa naman ng lumang bahay na ito.
Lumabas ako ng bahay ngunit wala ring tao kaya pumasok na lang ulit ako at pumunta sa may likuran ng bahay. May nakita akong duyan sa gitna ng dalawang puno kaya umupo na lang ako doon.
Maganda rin pala sa probinsiya, sariwa ang hangin at nakaka-relax ang mga tunog ng mga ibon. Kakagising ko lang pero tingin ko ay makakatulog na naman ako sa sarap ng hangin.
Nakapikit na ako ng magulat na lang ako ng may magsalita sa likod ko.
"Ate saan ka ba nagpunta? Akala ko nawala ka na 'pagnagkataon ay lagot ako kay kuya." Wika ng isang boses kaya inikot ko ang ulo ko upang makita kung sino iyon, nakita ko ang totoy na nagbigay kanina kay Jax ng susi ng truck.
"Hello." Bati ko at binigyan siya ng malaking ngiti.
"Ano pangalan mo ate?" Tanong niya at pumunta sa harapan ko.
"Megane, ilang taon ka na boy?" Tanong ko.
"18 po ate." Magalang na sagot niya.
"Really? We're in the same age!" Gulat na bulalas ko at nagulat rin siya, mukha siyang grade 2, no nag e-exaggerate lang siguro ako. Basta, totoy na totoy siya at ako naman ay hindi rin mukhang 18, hindi naman sa mukhang matanda na ako ngunit mature na ang pangangatawan ko at dalagang-dalaga na. Isa pa ay matangkad ako at parang hindi teenager ang katawan dahil meron na akong mga curve sa dapat paglagyan.
I'm definitely a product of my mum.
"Paano po kayo nagpakasal ni kuya kung ganon?" Tanong niya.
"Huh?"
"Sabi ni kuya ay misis niya raw kayo, pa'no yun eh ang bata niyo pa rin pala." Wika nito at kinamot pa ang batok niya na parang hindi niya rin naiintindihan ang sinabi niya.
Jax talaga.
Tinawanan ko na lang siya. "Kapatid mo si Jax?"
"Hindi po, inampon lang ako ng lola niya ako ang nag-aalaga sa lola niya dito sa bahay nila habang wala si kuya." Ngumiti siya. "Pero parang mag kapatid na rin kami."
"May lola siya?"
"Opo kaso hindi na makalabas nakahiga na lang sa kama, mahina na eh."
"That's sad." Komento ko at ngumiti lang siya sa'kin.
"Gutom ka na? Sabi ni kuya ay paghandaan raw kita pag gising mo." Sa sinabi niyang iyo ay parang doon ko pa lang naramdaman ang gutom kaya tumango na ako at sinundan siya.
May nakahanda ng pagkain kaya mabilis rin akong natapos.
"Si Jax pala?" Tanong ko sa totoy na nakikinig ng radio.
"May gagawin lang raw siya sa bayan."
"Ano nga palang pangalan mo totoy?" Tanong ko at muli niyang kinamot ang batok niya.
"Aton po ate." Ngumiti na lang ako at dadalhin na sana ang pinagkainan kong pinggan sa kusina ng pigilan niya ako at siya na mismo ang nagbuhat.
"Ako na ate sabi ni kuya ay bawal daw mapagod ang mga buntis, magpahinga ka na lang raw." Sabi nito na ikinagulat ko.
Jax seriously!
Wala na akong nagawa kaya pumasok na lang ulit ako sa kwarto, pagod pa rin ako 'e. Ayaw ko munang isipin ang mga problema, I want to rest first.
It's been a long day after all.
Vote and Comments are appreciated by the author. Also, don't forget to follow me~
Finished editing: May 10, 2016
Posted: May 11, 2016
Follow me in Twitter guys! Para makapag-usap tayo hehe: @Mxrxell
BINABASA MO ANG
Toxic Love [COMPLETED]
RomanceOnce upon a time there's a prince charming who loves me so much, but one day, he turned into a beast, a monster that I never thought. I guarantee you a Tear-jerker story. Toxic Love © Mxrxel 2016